Na-wow mali? Netizen, pinalibutan ng fans sa pag-aakalang siya ang bokalista ng bandang Ben&Ben




Imahe mula kay Miguel Criador | Facebook
  • Isang nakaaaliw na post ang ibinahagi ng netizen tungkol sa kaniyang karanasan sa loob ng isang mall
  • Pinalibutan si Miguel Criador ng maraming fans sa pag-aakalang siya ang isa sa mga bokalista ng bandang Ben&Ben
  • Sinubukan niya umanong sabihin sa mga ito na hindi siya ang taong inaakala nila ngunit nagpatuloy lang ang mga fans na magpakuha ng litrato sa kaniya
Imahe mula kay Miguel Criador | Facebook

Sa araw-araw nating pagharap sa salamin, minsan hindi natin namamalayan na may mga tao palang sikat na kamukha natin. Marahil mas madalas kasi nating marinig na kamukha natin ang nanay o ‘di kaya ay ang tatay natin.

Ngunit paano nga kaya kung may ibang tao naman na makapansin na may kamukha pala tayong artista, celebrity, o kaya naman ay bokalista ng banda?

Sa Facebook, ibinahagi ng isang netizen ang ilang mga litrato kung saan kasama niya ang mga tagahanga ng sikat na bandang Ben&Ben.

Ayon sa viral post ni Miguel Criador noong August 17, inakala ng mga fans na siya ang bokalista ng Pinoy band kaya naman tuloy-tuloy ang pagpapa-picture ng mga ito sa kaniya.

“Sa mga nagpapicture sa akin kanina, sorry pero hindi ako yung member ng Ben&Ben,” natatawang caption ni Miguel sa post.

“I tried to tell you guys kaso di kayo nakikinig. Happy kadayawan everyone,” dagdag ng binata.

Makikita sa mga larawan ang mahaba at kulot na buhok ni Miguel. Halos pareho rin ang kaniyang pangangatawan sa isa sa mga bokalista ng Ben&Ben.

Imahe mula sa Ben&Ben | Facebook

Nakasuot pa ito ng face mask na maaaring naging dahilan para mas paghinalaan ng fans ang kaniyang katauhan.

Marami naman ang naaliw sa post ni Miguel kaya agad itong nag-viral sa social media. Nakarating na rin ang post ng binata sa Facebook page ng banda na siyang kinatuwaan din ng Ben&Ben.

Source :

Facebook