Mga pulis, gumawa ng paraan upang matulungang makadaan ang mga tao sa baha




Imahe kuha mula sa video ni Fernan Nebres via Facebook
  • Nakuhanan ng video ang mga pulis sa may Sampaloc, Manila na tumutulong sa mga commuters na makadaan sa baha
  • Ginamit ng mga pulis ang plastik na upuan upang tapakan ng mga commuters at magmistulang tulay habang iniiwasang sumulong sa baha
  • Dahil sa limitadong bilang ng mga upuan, salit-salit itong hinihilera ng mga pulis para lamang makatawid ang mga commuters
Imahe mula Facebook

Hindi na nga maiiwasan pa ang pagdating ng mga bagyo ngayong panahon ng tag-ulan dito sa Pilipinas. At para sa maraming mga Pinoy, kalbaryo ang dulot ng mga bagy0ng dumarating sa bansa.

Maraming mga problema ang naidudulot ng tag-ulan dito sa bansa. Bukod sa malalang pagbaha, nagdudulot din ito ng malubhang pinsala sa mga kabahayan at kabuhayan.

Kalimitan sa pinakanaaapektuhan ng pag-ulan na ito ay ang mga Pinoy na pumapasok sa kanilang mga trabaho o sa paaralan. Marami sa mga Pinoy ang commuters o ang mga sumasakay ng mga pampublikong sasakyan upang makarating sa kanilang patutunguhan. Ngunit dahil sa walang tigil na pag-ulan, marami sa mga parte ng Maynila ang lumulubog sa baha na nagdudulot ng trapiko at pagkaka-stranded ng mga commuters.

Imahe kuha mula sa video ni Fernan Nebres via Facebook

Kaya naman sa tuwing may bagy0 o low pressure area na tatama sa bansa, marami nang mga siyudad at probinsya ang nagkakansela ng klase at trabaho bago pa man bahain sa daan ang mga estudyante at manggagawa.

Ngunit malimit na nahuhuli ang anunsyo ng kanselasyon na ito kaya naman marami sa mga estudyante at mangagawa ang naaabutan ng baha sa mga daan.

Kamakailan, dahil sa malalakas na buhos ng ulan, nakuhanan ng video ni Fernan Nebres ng The Philippine Star ang mga pulis na tumulong sa mga commuters na naipit sa baha.

Ang video na ito ay kuha umano sa harap ng gate ng University of Sto. Tomas kung saan maraming estudyante at manggagawa ang dumaraan.

Makikita sa video ang baha na umabot na humigt-kumulang na isang dangkal ang lalim. Dahil dito, naisipan ng mga pulis na gumamit ng plastik na upuan upang ito ang magsilbing tapakan ng mga commuters upang makaiwas sa tubig-baha.

Ngunit dahil limitado lamang ang bilang ng mga plastik na upuan, salit-salit ang ginagawa ng mga pulis sa mga ito habang tinatapakan ng dalawang babae sa video para lang makatawid sa baha.

I-click ang imahe upang mapanood ang video na ibinahagi ni Fernan Nebres via Facebook

Ang ibang commuters naman ay hindi na inalintana ang baha at lumusong na lang habang bitbit ang kanilang sapatos.

Umani ang video na ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. May mga nagsabing sana raw ay dinagdagan na lang ang mga plastik na upuan o kinarga na lang ang mga commuters. Ang iba naman ay nagsasabing nag-iinarte lang ang mga commuters at pinahihirapan lang nila ang mga pulis.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang mahigit 614,000 views ang nasabing video.

Ayon sa PAGASA, inaasahang apat hanggang limang bagy0 ang tatama dito sa Pilipinas ngayong buwan ng Agosto.

Source :

Facebook