‘Mga babae ang nagreklamo’: Sotto, nilinaw ang ilang mga pangyayari kaugnay ng viral video ni Gretchen Diez




Imahe mula kay Gretchen Custodio Diez | Facebook
  • Nilinaw ni Senator Tito Sotto ang ilang mga pangyayari sa pagitan ng isang trans woman at janitress sa loob ng isang mall sa Quezon City
  • Nagkaroon umano ng “decepti0n” ang viral video ni Gretchen Diez dahil hindi dito naipakita ang ilang mga eksena bago pa man sila magkainitan ng janitress
  • Sa record ng CCTV, makikita na kinausap ng janitress si Gretchen Diez at sinamahan sa kabilang CR dahil may mga babaeng nagrereklamo

Nabanggit ni Senator Tito Sotto ang naging insidente sa loob ng isang mall sa pagtatalakay niya ng SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill.

Imahe mula kay Gretchen Custodio Diez | Facebook

Sa kaniyang panayam sa DZMM noong August 19, sinabi ng senador na nakakuha na sila ng record ng CCTV mula sa Farmer’s Plaza. Iginiit ng senador na nagkaroon ng ‘decepti0n’ ang viral video dahil hindi naipakita ang mga pangyayari bago pa man magkainitan ang trans woman at ang janitress.

Sa video na kuha ng CCTV, makikita umano na mga babae mismo ang nagrereklam0 sa janitress dahilan para palipatin niya ng CR ang trans woman na si Gretchen Diez.

“May pila sa ladies’ room. Paglabas nung isang babae, nagreklamo sa dalawang janitress na may lalaki sa loob.” ayon sa senador.

“May isa pang sumunod, tinuro nagturo na sa linya daw hindi raw babae, nakabihis na babae. Nilapitan nung janitress, sinabi sa kanya na huwag na lang dito dahil may nagrereklamo. Itinuro siya dun sa PWD, or doon sa other nila, third toilet nila.”

Dagdag pa niya, bihira lang umano siyang makarinig na may mga babaeng komportable na makasama sa iisang banyo ang mga “lalaking nakabihis babae.” Iba rin umano ang sitwasyon ni Congresswoman Geraldine Roman dahil babae na ito.

Image capture mula sa Facebook video ni Gretchen Custodio Diez

“Sa mga kababaihan, bihira ako makarinig na babae na natutuwa na mayroon, let’s say lalaking nakabihis babae sa loob,” pahayag ng senador.

“Iba ang sitwasyon ni Congresswoman Geraldine Roman. Siya’y babae na eh. So walang problema sa kababaihan. Pero paano ‘yung mukhang lalake, na lalake pala. They feel awkward. Marami ang nagsasabi sa amin.”

Source :

Youtube, ABS-CB, Pep