Mayor Vico, hiniling na huwag tratuhing showbiz personalities ang gov’t officials




Image via Vico Sotto | Instagram
  • Hiniling ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga tao na huwag ituring na showbiz personalities ang  government officials
  • Sinabi rin niya na hindi ‘newsworthy’ ang love life niya
  • Matatandaang pinag-usapan kamakailan ang pabirong sagot niya tungkol sa pagkakaroon ng kasintahan

Isa sa mga naging trending topic sa social media kamakailan ang pabirong sagot ni Pasig City Mayor Vico Sotto tungkol sa buhay pag-ibig niya — isang bagay na hindi nagustuhan ng 30-anyos na alkalde.

Image via Vico Sotto | Instagram

Sa isang tweet, binigyang-diin ni Sotto na hindi newsworthy ang buhay pag-ibig niya. Kung alam lang daw niya na sobra-sobrang atensyon ang makukuha ng pabiro niyang tugon ay hindi na niya sana sinagot ang itinanong sa kanya.

“I made this joke during an interview to change the topic. It is definitely not newsworthy. If I knew it would get this much attention I just wouldn’t have answered,” wika niya. [Nagbiro lamang ako sa isang interview para baguhin ang topic. Kung alam ko lang na makakukuha ito ng labis na atensyon, pinili ko na lamang sana na huwag sumagot sa tanong na iyon.]

Matatandaang sa isang panayam ay sinabi ni Sotto na wala siyang kasintahan pero tumatanggap naman siya ng aplikante.

“Sana naman before 40. Sa ngayon ang masasabi ko lang diyan, Diyos na po ang bahala. Tumatanggap naman ako ng aplikante,” sagot niya — isang tugon na mabilis kumalat sa social media at ilang ulit din nabalita. Mayroon pa ngang gumawa ng curriculum vitae para mag-apply sa bakanteng espasyo sa puso ng alkalde, at agad din itong nag-viral.

Gayunman, hiniling ni Sotto na sana ay hindi raw tratuhing celebrities ang mga government officials.

“If we want better governance, we should stop treating our government officials like showbiz personalities,” aniya.

Image capture from Vico Sotto’s Twitter account
Source :

Twitter