Mayor Isko, ipinagmalaki ang dating bahay nang madaanan ito sa gitna ng pag-iikot sa Maynila




Image capture via Facebook
  • Waring bumalik sa kahapon si Manila Mayor Isko Moreno matapos niyang madaanan ang dating bahay
  • Buong pagmamalaking itinuro ng alkalde kung saan siya nakatira bago pa man maging isang matinee idol
  • Ikinatuwa ito ng netizens sapagkat hindi raw ikinahihiya ng politician kung saan siya nagmula

Dating bahay, dating buhay — ito ang mga binalikan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nang mapadaan sa tinitirahan nila noon.

Image capture via Facebook

Sa #IskoSerye ng Facebook page na Paolo Duterte Supporters, ini-upload ang isang video clip na kinuha mula sa video documentation ng isa sa mga naging pag-iikot ng alkalde sa Maynila kamakailan. Sa video clip na ito, mapapanood kung paano niya binalikan ang payak na nakaraan niya sa lugar na tinirhan niya bago siya naging isang sikat na matinee idol.

“Yorme Isko ipinagmalaki ang dati nilang bahay na sumalamin sa kanyang kahirapan. Bumalik sa alaala ni Yorme ang hirap ng dati nilang buhay matapos niyang muling makita ang dati nilang barong-barong na bahay,” saad sa caption nito.

Habang nag-iinspeksyon ay nagkuwento si Domagoso tungkol sa dati nilang bahay at sa kanyang alma mater.

“Ito po ang lugar ko. Dito po ako lumaki. ‘Yong nakikita n’yong island sa gitna, diyan po ang bahay namin no’ng araw. Tondo. Diyan po ‘yong aking alma mater…sa likod niyan ang Tondo High School,” pagbabahagi niya.

Sinalubong ang alkalde ng ilan sa mga residente ng dati niyang lugar. Sa gitna ng pagsasalita ay huminto muna ito saglit para pansinin ang pagkaway ng mga ito sa kanya. Masaya niyang pinagkakawayan pabalik ang mga residenteng nakaabang sa pagdaan niya; mga nanonood pala ito ng Facebook live ng alkalde na minsang namuhay sa kanilang lugar.

Maraming netizens ang natuwa sapagkat hindi raw ito nakalilimot lumingon sa kanyang pinagmulan.

Panoorin ang video clip ng pagbabalik-tanaw ng alkalde:

I-click ang imahe para mapanood ang video.
Source :

Facebook