Mayor Isko, nagpadala ng gamot sa bahay ng Manilenyong naubusan ng stock




Image via Francisco Domagoso | Facebook
  • Nagpasalamat kay Manila Mayor Fransisco “Isko Moreno” Domagoso ang anak ng natulungan niya
  • Sa Facebook Live video ni Moreno, nag-iwan ng kumento ang isang netizen
  • Pinasalamatan nito si Isko sa pagpapadala nito ng gamot para sa kanilang ama sa mismong bahay nila

Pinasalamatan ng isang netizen si Manila Mayor Fransisco “Isko Moreno” Domagoso dahil sa pagtulong nito sa kanyang ama na naubusan ng stock ng gamot na kailangan nitong inumin.

Image via Isko Moreno Domagoso | Faceboo

Sa Facebook Live ni Domagoso habang nag-aanunsyo ng class suspension, nag-iwan ng kumento si Mylene Nepomuceno upang magpasalamat sa alkaldeng tumulong sa tatay niya. Hindi na raw kasi nila inasahan na magbibigay pa ito ng gamot.

“Salamat po sa tulong n’yo sa aking tatay. Lumapit kami no’ng nangangailangan po kami ng gamot. Noong una, akala po namin hindi n’yo po kami mapagbibigyan kasi wala kayo stock na gamot,” kumento ng Facebook user na si Nepomuceno.

Laking gulat nila noong bigla na lamang may pumunta at naghatid sa bahay nila ng gamot na kailangan ng kanyang ama.

“Hindi po namin akalain na hindi n’yo binalewala ang paglapit namin sa inyo. Nagulat po kami na nagpahatid po kayo ng tulong sa amin. Mismo pa sa bahay pinadala,” wika niya.

Lubos na nagpapasalamat si Nepomuceno sa ama ng lungsod ng Maynila. Hangad daw niya para rito ang malusog na pangangatawan dahil batid niyang kailangan ng bayan ang mga opisyal na katulad nito. “Maraming salamat po, Mayor. Sana po maging malakas pa kayo para po marami pa kayo magawa sa ating bayan. Salamat po nang marami. ”

Narito ang buong kumento ni Mylene Nepomuceno kung saan niya ibinahagi ang kanyang kuwento.

Image capture via Facebook
Source :

Facebook