Maine Mendoza, iginiit na hindi pa rin nawawala ang tambalang AlDub




Mga imahe mula sa Instagram account nina Maine Mendoza at Alden Richards
  • Maituturing na biggest break sa career nina Maine Mendoza at Alden Richards ang tambalan nilang #AlDub
  • Makalipas ang halos apat na taon ay ‘naghiwalay’ sila ng landas at nagkaroon ng solo projects
  • Sa kabila nito ay nananatili pa rin umanong matatag ang tambalang AlDub

Mayroon pang AlDub. Ito ang pinanindigan ni Maine Mendoza aka “Yaya Dub” nang tanungin ito tungkol sa kaniyang pananaw hinggil sa box-office hit movie ni Alden Richards kasama si Kathryn Bernardo.

“Nandiyan naman talaga ang AlDub dahil everyday kami sa Eat Bulaga and wala namang any announcement na pinaghiwalay na or anything,” pahayag ni Maine sa isang press conference sa launch ng ineendorso niyang Betadine Fresh Bliss.

Imahe mula sa Instagram account ni Alden Richards

Ayon sa report ng Pep, natanong din si Maine kung na-refresh ba ang kaniyang career nang magbago ang tambalan nila ni Alden.

Aniya, ang mga nangyayari umano sa kaniyang career bilang solo artist (nang hindi katambal si Alden) ay itinuturing niyang refreshment. Nag-grow din umano siya bilang isang tao, bilang isang host, bilang isang aktres, at bilang isang celebrity.

Paliwanag pa ni Maine, hindi umano tayo dapat mag-stay sa iisang lugar lamang. Darating at darating daw sa buhay ng isang tao na kailangan nating mag-grow at mag-move forward.

“I consider the changes that happened in my life (to be) positive changes,” dagdag pa niya.

Para kay Maine, naniniwala siyang marami pa silang matututunan ni Alden sa iba’t ibang bagay na maghahanda sa kanila sa next level ng kanilang career.

“Kasi marami pa kaming pagdadaanan in the future, so sana marami kaming mabaon na leksiyon na magagamit namin sa pagtanda namin,” paliwanag ni Maine.

Imahe mula sa Instagram | Maine Mendoza

In fairness kay Alden, talagang nag-improve ang kaniyang acting sa pelikula nila ni Kathryn — ang Hello, Love, Goodbye na kumita na ng mahigit ₱250 milyong sa loob pa lamang ng limang araw.

Samantala, matatandaan na noong Abril 30, 2019 ay naglabas ng opisyal na anunsiyo ang Official AlDub Trendsetter sa Twitter. Ang #ALDUBxADNThankYou ang huli nilang inilabas na hashtag sa Twitter ukol sa AlDub.

May punto naman talaga si Maine. Minsan talaga ay kailangan natin ng space kahit sa mga taong nakasanayan na natin na laging kasama.

Source :

Pep, PhilStar, DF