Magsasaka mula Davao, pasok sa top 50 finalists ng International Cocoa Awards na gaganapin sa Paris




Imahe mula sa Deparment of Agriculture - Davao Region
  • Isang magsasaka mula sa Davao ang mapalad na nakapasok sa top 50 finalists ng prestihiyosong International Cocoa Awards na gaganapin sa Paris
  • Umabot sa 223 samples ng cocoa beans mula sa 55 bansa ang inisyal na nagtunggali kung saan napili ang entry ni Jose Saguban para sa finals
  • Kasama itong ipo-proseso na gagagawing tsokolate at dadaan sa mabusising evaluation para sa kompetisyon
Imahe mula sa Pixabay

Mapalad na napasama sa top 50 finalists ng prestihiyosong International Cocoa Awards (ICA) ang magsasaka mula sa Davao na si Jose Saguban.

Napili ang cacao beans na entry ng magsasaka para sa finals ng ICA na gaganapin sa Paris, Franca sa October 30.

Ayon sa ulat ng Minda News, nag-iisa lamang na napili ang bean sample ni Jose mula sa limang entry mula sa iba pang magsasaka sa Pilipinas. Gayunpaman, mapalad pa rin itong nakapasok matapos tapatan ang 223 samples ng cacao beans mula sa 55 bansa.

Iba’t ibang proseso ang gagawin sa bean samples bago itanghal ang nagwagi sa kompetisyon. Gagawin ang mga ito na tsokolate at dadaan sa sensory evaluation ng Cocoa of Excellence (CoEx) technical committee at iba pang grupo ng mga propesyunal.

Tubong Malabog, sa Paquibato District, Davao City si Jose Saguban. Miyembro ito ng Paquibato Tree Developers Cooperative na siyang tumutulong para mahasa ang kaalaman ng mga magsasaka tungkol sa farm techniques at fermentation protocols.

Imahe mula sa Deparment of Agriculture – Davao Region

Mula sa 50 entries, pipili lamang ng 15 hanggang 20 na kalahok na para sa mananalo sa kompetisyon.

Ayon sa CoEx, paraan ito para kilalanin ang bunga ng paghihirap ng mga cocoa farmers at ipagbunyi na rin ang iba’t ibang klase ng cocoa flavors.

Goodluck po, Mang Jose!