Lolit Solis, nagbigay ng opinyon tungkol sa issue nina Bea, Gerald, at Julia




Imahe mula kay Lolit Solis via Instagram
  • Bukas sa publiko ang mga tapat na pahayag ng beteranong reporter at showbiz host na si Lolit Solis tungkol sa isyu na kinakasangkutan ngayon nila Bea, Gerald, at Julia
  • Sa kaniyang Instagram account ay pitong beses nang nag-post at nagbibigay ng opinyon si Lolit tungkol sa isyu ng tatlong Kapamilya celebrities
  • Kaabang-abang naman ang mga opinyon na ito ni Lolit dahil ito ay may kabuluhan lalo na at galing ito sa host na marami nang karanasan tungkol sa mga kontrobersiya
Imahe mula kay Lolit Solis via Instagram

Malaking porsyento ng mga Pinoy netizens ang nakatutok ngayon sa isyung kinasasangkutan ng tatlong Kapamilya actors na sina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto.

Marami ang nakaabang sa mga pasaring, rebelasyon, at social media posts ng tatlong sangkot na mga artista. Nagsimula ito kay Bea na tila nag-release ng  sama ng loob gamit ang social media, tapos ay sinundan pa ng kaniyang interview kung saan sinabi niya na “ghosting” siya ng dating nobyo na si Gerald.

Sumunod na nagbigay ng pahayag si Gerald, at kamakailan lang ay nagbigay na rin ng kaniyang saloobin si Julia gamit ang kaniyang social Media account.

Dahil sa lumalaking isyu na ito, ay marami na rin sa mga celebrity ang nagbibigay ng kanilang mga opinyon tungkol dito. Habang ang iba naman ay idinadaan na lamang sa “sense of humor” ang nangyayaring kontrobersiya.

Sino nga ba ang mas nakaaalam tungkol sa mga ganitong kontrobersiya kundi ang beteranong reporter at showbiz host na si Lolit Solis o mas kilala sa tawag na Manay Lolit.

Imahe mula Instagram

Sa kaniyang Instagram account nagbibigay ng pahayag at opinyon si Manay Lolit tungkol sa nangyayari kina Bea, Gerald, at Julia. Masasabing nakaabang din si Manay sa mga bagong pasabog ng isyu dahil pitong beses na siyang may post tungkol dito.

Sa kaniyang unang post, sinabi ni Manay Lolit na normal lang umano ang nangyari sa relasyon nina Bea at Gerald dahil maraming mga nagmahal ang nakaranas ng ganito. Para sa kaniya, lesson learned ito sa tatlong artista.

Hindi tulad ng ibang celebrities na nagpahayag kung saan silang kampi, wala namang kinikilingan si Manay Lolit dahil ayon sa kaniya, walang ibang sisisihin sa mga nangyari kundi ang tatlong celebrities lamang.

Imahe mula kay Lolit Solis via Instagram

Silang tatlo magdadala ng sakit o ligaya kaya dapat OK lang tayo hindi tayo puwede mag set ng standard natin sa iba, kung ano gusto nila, sila bahala responsibilidad nila iyon sa sarili nila, hindi sa atin.”

Sa mga huling IG posts ni Manay Lolit, isa-isa siyang nagbigay ng pahayag para kina Bea, Gerald, at Julia. Pinuri niya ang mga naging pahayag ni Julia, habang kinuwestyon naman niya ang mga katangian na mayroon si Gerald upang maraming babae ang mahulog sa kaniyang karisma.

At sa pinakahuli niyang post, iminungkahi niyang sana ay hinayaan na lang ng aktres na si Bea ang mga nangyari sa pagitan nila ni Gerald.

Kung ako naman ang nasa lugar ni Bea Alonzo, dapat kibit balikat na harapin niya at ‘hoy you don’t belong in my league’ na reaction ang ibigay niya. Life will go on for me, Bea Alonzo ako noh!”

Source :

Instagram