Lalaking may suot na ‘TV’, nag-iwan ng mga lumang telebisyon sa mahigit 50 bahay




Image capture from ABC News' video
  • Isang lalaki ang nag-iwan ng mga vintage TV sa harapan ng mga bahay sa isang kapitbahayan sa Virginia
  • Sa mga CCTV footage, makikita na ang lalaki ay nakasuot ng mask na animo’y isang telebisyon
  • As of posting, wala pa rin nakakakilala sa misteryosong lalaki

Laking gulat ng mga residente ng Henrico County, Virginia nang matuklasan nilang mayroong nag-iwan ng mga vintage television (TV) set sa harapan ng mahigit 50 bahay sa kanila.

Image capture from ABC News’ video

Sa ulat ng ABC News, ipinakita ang ilang footages na nagpapakita ng pagdating ng tinagurian nilang “TV Santa Claus”. Dahan-dahang naglakad ang lalaki patungo sa isang porch. May suot itong TV sa ulo habang may hawak namang vintage television ang dalawang kamay. Maingat niya itong inilapag at at saka umalis din kaagad. Ayon sa awtoridad, mahigit 50 na bahay ang pinag-iwanan ng mga telebisyon.

Lahat ng ito ay naganap sa loob ng isang buong gabi lamang. Palaisipan pa rin kung isang tao lang ba ang gumawa o sadyang iisa lang ang mga costume nila at marami sila na ang misyon ay maglagay ng lumang telebisyon sa bawat bahay na nasa nasa nasabing area.

“Everyone started coming out of their houses, walking around the neighborhood looking at the TVs there on the doorstep,” pag-alala ni Jeanne Brooksbank, isa sa mga nakatanggap ng kakaibang “regalo”. [Basta nagsilabasan na lamang ang mga tao sa kani-kanilang mga bahay at tiningnan kung mayroon din bang  nag-iwan ng mga lumang telebisyon sa harapan ng kanilang mga tarangkahan.]

Samantala, sinigurado ng mga nag-ikot na awtoridad na walang panganib na dala ang mga telebisyon na iniwanan sa labas ng mga bahay.

“We determined there was no credible threat to residents and that this was strictly an inconvenience,” sabi ng pulis na si Matt Pecka. [Nakita namin na wala namang malinaw at konkretong dahilan na makapagsasabing sinadyang iwan ang mga ito para may mga taong mapasama.]

As of posting, inaalam pa rin kung sino ba talaga ang lalaki, bakit marami siyang dalang mga vintage television, at ano ang layunin nito.

Image capture from ABC News’ video

Panoorin ang video ng misteryosong lalaking nag-iwan ng lumang telebisyon sa mahigit 50 bahay: