Kumportable sa biyahe: Bus, mayroong charging ports at CR na may bidet




Images via Frida Santos Solidum | Facebook
  • Puwedeng-puwede nang mag-chill sa mahabang biyahe dahil sa comfortable buses na bumibiyahe na ngayon
  • Sa Facebook, ibinahagi ng isang netizen ang relaks at kumportable niyang biyahe pa-Baguio
  • Isa sa mga bus ng Pangasinan Solid North Transit Inc ang nasakyan niya; may charging ports na, may CR with bidet pa

Gusto mong mag-movie marathon sa biyahe pero natatakot kang mawalan ng karga ang cellphone mo? Sawang-sawa ka na bang tiisin ang tawag ng kalikasan dahil sa malalayong pagitan ng mga stopover? Ayaw na ayaw mo ba ng amoy ng mga public toilet na minsan pa ay walang tissue at walang tubig? Huwag kang mag-alala, narito na ang bus na magtatanggal ng mga hassle sa biyahe mo!

Image via Frida Santos Solidum | Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng user na si Frida Santos Solidum ang naging biyahe niya  papuntang Baguio habang sakay ng isa sa mga bus ng Pangasinan Solid North Transit, Inc. Sa halagang P500 lamang, maayos at chill ka nang makakapagbiyahe dahil sa sobrang kumportable ng mga bus nila. Idagdag mo pa ang charging ports sa tapat ng bawat upuan at ang comfort room na napakalinis at mayroon pang sariing bidet. O, ‘di ba, tiyak na gugustuhin mo namag-traffic.

“Sa mga biyahero dyan at nagpaplano na bumiyahe papunta sa Baguio, we highly recommend Pangasinan Solid North Transit Inc., from PITX Parañaque to Baguio (vice versa),” kuwento ni Solidum sa caption ng mga photo niya.

“P500 per way lang pamasahe at may libreng patubig pa sila. Very comfy pa ‘yong bus kasi reclining seats s’ya at may kanya-kanya charging port with free wifi din. May comfort room doon kaya non-stop ‘yong biyahe,” aniya.

Marami ang  namangha sa mga bahagi ng  bus na kinuhaan ni Solidum ng litrato. Sana raw ay ganito sa lahat ng bus.

As of posting, nakakuha na ng 30,000 reactions at lampas 42,000 shares sa Facebook ang nasabing post.

May schedule daw ng alis ang mga bus kaya dapat updated ka palagi tungkol dito. Sa tickets and reservations maman, maaari ring bumili o magpa-reserve ng mga ito online. Ikaw, babiyahe ka na rin ba?

Images via Frida Santos Solidum | Facebook
Source :

Facebook