Klasik! Nasa latang baby powder na may laman pa, nakuha ng babae sa bahay ng lola niya




Image via ‎Memories of Old Manila I Facebook
  • Waring bumalik sa nakaraan ang isang babae na nakakuha ng old school na baby powder sa bahay ng lola niya
  • Bukod kasi sa latang lalagyan nito — na hindi na ginagamit ngayon — ay may laman pa raw ang basyo ng pulbos
  • Kuwento raw sa kanya, ang baby powder na ito ay binili bago pa man siya ipanganak

Ngayong sa plastik na nakalagay ang halos lahat ng baby powder, at marami na ang hindi nakakita ng latang basyo na pinaglalagyan ng pulbos na ito noon, para bang bumalik sa nakaraan ang isang babae matapos siyang makakuha ng old school na klase nito sa bahay ng kanyang Lola.

Image via ‎Memories of Old Manila I Facebook

Sa Facebok group na Memories of Old Manila, ibinahagi ng member na si Stella Krzn Lim ang larawan ng lumang baby powder na nakita niya sa bahay ng kanyang lola. Nalaman daw niya na ang pulbos na ito ay binili bago pa siya isinilang.

“So nag-decide ko mag-visit sa bahay ng lola ko tapos nakita ko ‘to. Twenty-two years old na ako. Hindi pa raw ako ginagawa sa mundo noong binili nila ‘to,” saad ni Stella sa caption ng picture na ibinahagi niya sa grupo.

Ikinatuwa rin niya noong napansin niyang may laman pa rin ito. Mabango pa rin daw ang pulbos sa loob ng lumang basyo. Dahil dito, nalaman niya kung ano ang ipinagkaiba nito sa klase na nabibili ngayon.

“May laman pa at ang bango-bango pa rin! Super smooth sa balat. Alam mong ibang-iba ‘yong pagkakagawa noon,” aniya.

Maraming miyembro ng grupo ang nagbalik-tanaw dahil sa post na ito ni Stella.

“Lata pa yan sisidlan ng Johnson’s powder. Ginagawang alkansya,” pag-alaala ni L.Responde.

“Noon, mga sa lata pa nakalagay kahit ang mga biskwit. Ngayon, halos ginagamit na e plastic,” wika naman ni K. Rivera.

Mungkahi naman ng iba, dapat daw ay hindi nila itapon ang lalagyang ito. Dahil vintage na mahal na raw ito kung ibebenta ngayon. At kung hindi naman ipagbibili, hindi ba’t masarap din itago sa bahay ang mga ganitong bagay mula sa nakaraan?

Image capture via Facebook

Ikaw, naabutan mo ba na nasa lata ang pulbos? Malalaman natin ngayon kung gaano ka ka-tita/tito!