Kilalanin: Ang mapagmahal at simpleng maybahay ng iniidolong ‘Yorme’ na si Isko Moreno

Image via Tonight With Boy Abunda
  • Bukod sa pagiging mabuting ama ng lungsod ng Maynila, mabuting haligi rin ng tahanan ni Manila Mayor Isko Moreno
  • Kilalanin ang katuwang niya sa pagtataguyod ng pamilya, ang kanyang maybahay na si Diana Lynn Ditan-Domagoso
  • Isang non-showbiz woman ang nakatuluyan ng dating matinee idol

Isang simple at mapagmahal na ilaw ng tahanan ang one true love ng dating matinee idol at kasalukuyang Manila mayor ngayon na si  Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

I-click ang imahe para mapanood ang video.

Sa Facebook, kinilig ang marami kamakailan nang sumilip ito sa FB live ni Isko habang nag-aanunsyo ng suspensyon. Natatawa kasi niyang pinuna ang pagdaan-daan ng kanyang misis sa kanyang likuran habang nag-aayos ng bahay, may dala pa nga itong upuan noong isang beses na dumaan ito.

Dahil sa kanyang pagpuna, sumilip ito sa kanyang live video at binati ang mga nanonood. Binigyan din nito ng halik sa pisngi ang alkalde– bagay na nagpakilig sa marami.

“Ang galing n’yo po, nakaka-proud! Pero sana h’wag n’yo rin po pabayaan ang kalusugan n’yo. Ingat po and God bless po. Kinikilig ako! LOL,” wika ng Facebook user na si D. Flores.

“Ang sweeeeeet ng misis ni Yorme. God bless sa inyong pamilya,” kumento ni E. Mainit.

Marami rin ang nakapansin kung gaano kaganda ang misis ni “Yorme”.

Halos hindi rin kasi nakikita ang maybahay ni Isko na si Diana Lynn Ditan-Domagoso. Sa panayam sa kanya sa bagong programa ng ANCX na Ces and the City, ibinahagi ni Isko kung bakit halos hindi nakikita ng publiko ang asawa niya, “May negosyo siya. Ayaw ko, ayaw din niya. Kita n’yo baka nandirito lang ‘yon. That’s how ordinary she is.”

Taong 2000 noong ikinasal sina Isko at Diana. Biniyayaan sila ng limang anak; sina Vincent Patrick, Frances Diane, Joaquin Andre, Franco Dylan, at Drake Marcus.

Image via Francisco Domagoso | Facebook

Kilalanin pa si Diane Lynn sa report na ito ng Push:

I-click ang photo para mapanood ang video.
Source :

Facebook, Push