Kasunduan para makapagpadala ng 2,000 Pinoy workers sa Canada kada taon, pipirmahan na




Imahe mula Shutterstock at Freepik
  • Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na malapit nang maisara ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Canada para sa mga Pinoy skilled worker
  • Ang kasunduang ito ay naglalayong kada taon, magpapadala ang Pilipinas ng mahigit 2,000 workers upang magtrabaho sa Canada
  • Bago pa ang kasunduang ito, lumabas din ang balitang lilimitahan ng DOLE ang pagpapadala ng mga skilled workers sa ibang bansa
Imahe mula Shutterstock

Marami sa nga Pinoy workers ang nangangarap magtrabaho sa ibang bansa at maging Overseas Filipino Workers. Ang Pilipinas ang isa sa mayy pinakamaraming mga OFW sa iba’t ibang bansa.

Maraming manggagawa ang nais maging OFW  upang kumita ng mas malaki at maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya dito sa Pilipinas . Sila ay nagtitiis sa malalayo at dayuhang lugar para sa ikagaganda ng buhay ng kanilang pamilya.

Isang magandang balita ang kamakailan ay inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga skilled workers na gustong magtrabaho sa bansang Canada.

Inihayag ng kalihim ng DOLE na si Silvestre Bello III na naihanda na ang kasunduan ng Pilipinas at Canada para sa mga Pinoy skilled workers. Kasalukuyang nasa Canada ang Labor Secretary para pirmahan nila ng kanilang counterpart doon ang bilateral labor agreement.

Imahe mula Freepik

Kapag napirmahan na ang kasunduan ito, inaasahang kada taon ay magpapadala ang Pilipinas ng mahigit 2,000 skilled workers sa Canada. Ang mga manggagawang ito ay mga caregiver, hotel workers at iba pa.

Ayon pa kay Bello, bukod sa Canada ay mayroon ding mga trabaho na maaaring pasukan sa bansang Israel at Japan.

Una nang napabalita na hindi kinakailangang kumuha ng language proficiency exam at wala na ring age limit para sa mga nais magtrabaho sa hotel at tourism industry sa Israel.

Gayunman, napabalita rin kamakailan lamang na lilimitahan ng DOLE ang pagpapadala ng mga skilled workers sa abroad. Ayon sa kanila, malaki ang kakulangan ng mga electrician, tubero at welder dito sa Pilipinas dahil ang karamihan sa kanila ay sa ibang bansa na nagtatrabaho.