Kasalukuyang sitwasyon ng traffic sa EDSA, maihahalintulad na sa bigat ng trapiko tuwing ‘ber’ months




Imahe mula sa Pixabay
  • Kinumpirma ng MMDA na sing-higpit na ng daloy ng mga sasakyan tuwing ‘ber’ months ang sitwasyon ngayon ng trapiko sa EDSA
  • Sa pag-aaral ng ahensiya, lumalabas na karaniwang umaabot sa 19.54 kph ang takbo ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA sa huling apat na buwan ng taon
  • Sa kasalukuyan naman ay umaabot na lamang ng 19.30 kph ang average na bilis ng mga sasakyan na dumadaan dito
Imahe mula sa Pixabay

Maihahalintulad na ang kabagalan ng daloy ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA sa sitwasyon ng trapiko tuwing sasapit ang Christmas season, batay mismo sa pag-aaral na isinagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Bagama’t ilang linggo pa ang dadaan bago tuluyang sumapit ang “ber” months ay nakararanas na ng matinding pagsikip sa daloy ng trapiko ang mga driver at pasahero na dumadaan sa EDSA.

Ayon kay MMDA Spokesperson Assistant Secretary Celine Pialago, bagama’t buwan ng Agosto pa lamang ay makikita na sa figures ang pagbagal na nararanasan sa kahabaan ng EDSA.

“Nasa buwan pa lang po tayo ng Agosto so makikita naman po natin ang mga figures po ay hindi nagsisinungaling, na talaga namang nakakaranas ng pagbagal,” ani Paliago sa isang interview.

Sa pag-aaral ng MMDA, umaabot na lamang ng 19.30 kilometer per hour (kph) ang takbo ng mga sasakyan sa EDSA. Malayo ito sa itinakdang speed limit ng ahensiya na 60 kph.

Kadalasan namang umaabot sa 19.54 kph ang bagal ng mga sasakyan tuwing sasapit ang Setyembre hanggang Disyembre.

Imahe mula sa Pixabay

“Mathematically speaking ho, cars keep on multiplying but roads are not,” ani Pialago.

Maliban sa bagal ng pagdaloy ng mga sasakyan, isa ring problema ang bigat ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA.

Nasa 6,800 sasakyan ang bigat na kinakarga ng EDSA bawat oras anomang direksiyon samantalang ang maximum carrying capacity nito o bigat na kaya lamang ng kalsada kada oras ay aabot lamang sa 6,000 sasakyan.

Source :

ABS-CBN, Youtube