Kagustuhan ng Badjao na may malinis na kapaligiran, nasaksihan ng netizen




Imahe mula kay Jose Marco Aquino | Facebook
  • Hinangaan sa social media ang kagustuhan ng isang Badjao na makitang malinis ang kapaligiran
  • Ibinahagi ng isang netizen ang nasaksihan niyang pangyayari habang siya ay papasok sa convenience store malapit sa kaniyang pinagtatrabahuhan
  • Ayon sa kaniya, nanghingi ng kahon sa guard ng tindahan ang Badjao at inilagay ito sa footbridge para gawing basurahan
Imahe mula kay Jose Marco Aquino | Facebook

Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen tungkol sa pangyayaring kaniyang nasaksihan habang papasok sa convenience store malapit sa pinagtatrabahuhan nitong opisina.

Ayon sa post ni Jose Marco Aquino sa Facebook noong August 28, narinig niyang kausap ng isang babaeng Badjao ang guard sa tindahan na kaniya ring pinuntahan.

“Papasok ng convenience store sa opisina, nadinig ko [na] kausap noong Badjao ‘yung guard,” ani Jose. Umagaw umano sa pansin ng netizen ang naging usapan ng dalawa kaya niya nagawang ibahagi ito sa kaniyang Facebook post.

Narinig umano niya na nanghihingi ang babaeng Badjao sa security guard ng karton na hindi pa nito nagamit. Nang tanungin ng guard ang babae kung para saan iyun gagamitin, itinuro umano nito ang footbridge na malapit sa pinuntahang convenience store.

Kuwento ni Jose, narinig niyang sinabi ng babae na ilalagay nito ang karton sa may footbridge dahil maraming nagkakalat doon kaya kailangan nga naman ng mapagtatapunan.

“Your move, mga may pinag-aralan,” pagtawag ng lalaki sa atensiyon ng ibang mamamayan sa kaniyang post.

Imahe mula kay Jose Marco Aquino | Facebook

Marami naman ang humanga sa kuwento ni Jose, pati na rin sa pag-uugali ng Badjao na kaniyang nasaksihan. Nagpakita kasi ito ng malasakit sa kalinisan ng paligid.

“Give that Badjao a reward,” ayon sa isang netizen.

“Gusto ko iyong sinundan mo iyong Badjao to validate and take proper documentation. Good job kay Ate,” sabi naman ni EDCU.

Sa kasalukuyan ay umabot na 42,000 likes and 29,000 shares ang post ng binata sa Facebook.

Source :

Facebook