Isang pagpupugay kay Gina Lopez




Public Domain Image
  • Si Gina Lopez ay dating kalihim ng DENR at chair ng ABS–CBN Foundation, Inc.
  • Kilala siyang environmentalist, pilantropo, at advocate ng karapatan ng mga bata
  • Siy ay kapatid na babae ni ABS-CBN chairman emeritus Gabby Lopez na anak naman ni “Kapitan” Eugenio Lopez, Jr.

Sino nga ba si Gina Lopez?

Si Regina “Gina” Lopez ay dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources o DENR at chair naman ng ABS–CBN Foundation, Inc. Siya ay kilalang pilantropo at environmentalist na nangunguna sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.

Mas nakilala pa si Lopez dahil sa rehabilitasyon ng Ilog Pasig at La Mesa Watershed; gayundin sa pagpapasara sa mga kompanya ng pagmimina na lumabag sa mga batas at patakarang pangkapaligiran.

Bilang advocate naman ng karapatan ng mga bata, itinatag niya ang Bantay Bata 163, isang helpline para maiulat ang mga batang nalalabag ang mga karapatang pantao.

Itinayo rin niya ang Investments in Loving Organizations for Village Economies (iLOVE) Foundation, na naglalayong matulungan ang mga mahihirap na pamilya na maiahon ang mga sarili mula sa kahirapan sa pamamagitan ng environmentally conscious businesses.

Ayon sa opisyal na pahayag ng ABS-CBN nitong Agosto 19, 2019, nagdulot ng inspirasyon si Gina sa lahat ng mga taong natulungan niya, at mananatili pa rin ang kanyang legacy kahit siya ay wala na.

“Gina was the pillar of strength that pushed AFI to achieve what seemed to be impossible. Her caring heart and selfless kind of love inspired people within and beyond the organization to help and serve others. While we mourn with Gina’s family and loved ones, we also pray that her legacy continues to live on in the heart of every Kapamilya she had touched in her lifetime,” anila.

Public Domain Image

Hindi rin makalilimutan ng pamunuan ng ABS-CBN ang mga ambag ni Lopez sa network, bukod pa sa ambag nito sa bansa bilang tagapanguna sa pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.

“We will never forget her and will continue to honor her remarkable contributions not only to ABS-CBN, but the entire nation. Thank you Gina, for showing us how it is to live in the service of the Filipino.”

Sa pagyao ni Gina nitong Agosto 19, 2019 sa edad na 65, nagpaabot ng mensahe ang chairman ng network na si Mark Lopez, na pinsan ni Gina Lopez. Hindi lamang daw sila nawalan ng tunay na kapamilya, kundi nawalan din ang Pilipinas ng isang tunay na environmentalist at advocate ng karapatan ng mga bata. Sadyang batid na raw ni Gina ang kanyang layunin at silbi sa lipunan.

“Today, we lost not just a family member but a person we deeply admire and respect. At an age when people are just figuring out what they want to do in life, she already knew her purpose. She left a comfortable life to devote her time and energy to help uplift other people’s lives.”

Kaya naman, bumuhos ang simpatiya at pakikiramay ng mga sikat na personalidad sa showbiz at pamahalaan sa pagkawala ni Lopez. Nag–iwan sila ng iba’t ibang mga mensahe at testimonya kung gaano kahusay at kabuting tao ito. Isa siyang simbolo ng katatagan at kahusayan pagdating sa kanyang larangan.