Iba’t ibang “dating terms” ng mga millennials na siguradong maraming nakaka-relate

Imahe mula sa Pixabay
  • Mga bagong dating terms na madalas ngayon gamitin ng mga millennials ay sobrang nakare-relate para sa karamihan
  • Ang biglang pagkawala o hindi pagpaparamdam ng taong napupusuan, may iba’t iba na ring tawag para d’yan
  • Sa panahon ngayon, tila mas komplikado na ang pagkakaroon ng karelasyon

Isa sa madalas pag-usapan ng karamihan lalo na sa mga simpleng kuwentuhan ay ang tungkol sa relasyon.

Imahe mula sa Pixabay

Sa paglipas ng panahon, nagbago na ang pananaw ng mga tao ukol dito at nagkaroon na rin ng iba’t ibang katawagan at uri ng relasyon na mayroon.

Narito ang ilan sa mga “dating terms” na usong-uso ngayon sa mga millenials:

Ghosting. Maihahalintulad ang stage ng relationship na ito sa trabaho gaya ng isang empleyado na akala mo maaasahan mo subalit bigla na lang nag-AWOL. Tunay na masakit ito dahil wala man lang kahit anong pasabi, at bigla ka na lang hindi kinausap at iniwan.

Benching. Ito ay kagaya ng salitang “option” kung saan bukod sa ‘yo, may iba pa siyang mas binibigyan ng pansin. Hindi ka niya agad bibitawan dahil kung sakaling hindi magtagumpay sa iba, andiyan ka lang sa tabi para balikan niya.

Caking. Ginagamit ang term na ito kapag mas nagiging sweet sa ‘yo ang isang tao kumpara sa dati niyang ginagawa. Mas napapansin mo kung gaano siya ka-interesado sa ‘yo kahit na madalas niyang dinadaan sa mga biro.

Breadcrumbing. Malalaman mong ginagawa sa ‘yo ito kung kapansin-pansin na hindi naman siya gaano nag-e-effort para maging kayo. Sa madaling salita, gusto niya lang maging sweet kayo sa isa’t isa pero walang kahit anong commitment.

Imahe mula sa Pixabay

Orbiting. Nararanasan ito mula sa taong dating nakapalagayan ng loob at tila unti-unti nang nanlamig subalit madalas pa ring nakasubaybay sa mga ginagawa mo. Halimbawa na rito ang hindi pag-reply sa mga messages mo o pagsagot sa mga tawag mo pero maya’t maya ay naka-like sa mga pictures mo o naka-view sa mga Facebook at Instagram stories mo.

Curving. Ito iyong akala mo pareho kayo ng nararamdaman pero ayaw ka lang din niya masaktan kaya hindi niya masabi sa iyo nang diretsahan na hindi ka naman talaga niya gusto,. Ang ending, nagmukha ka lang umasa sa wala. Tinatawag rin itong “rejection with a smile” dahil idinadaan sa pagiging friendly ang kanyang mensahe na hindi kayo para sa isa’t isa.

Zombieing. Kadalasan itong ginagawa ng mga taong ang lalakas ng loob na mang-iwan nang walang pasabi. Lahat ay ginawa mo para ikaw ay muling maging okay, hanggang sa isang araw ay bigla na lamang siyang magpaparamdam na parang walang nangyari. Kinalimutan at ibinaon mo na sa limot tapos biglang guguluhin na naman ang iyong katahimikan.

Imahe mula sa Pixabay

Alin man sa mga ito ang iyong naranasan o kasalukuyang pinagdaraanan, huwag kalilimutan na ito ay pansamantala lamang. Dapat matutong lumaban kung ikaw ay nasa tama at huwag matakot bumitaw kung ikaw ay labis nang nasasaktan.