Homemade na pantaboy ng lamok, praktikal at patok




Imahe mula sa Facebook account ni Niev Gonzaga Calantoc
  • Patok sa mga netizens ang homemade at improvised na pantaboy ng lamok
  • Ang mga kasangkapang kailangan ay bawang, plastik na bote, toothpick, at tubig
  • Marami naman ang nagpatunay na talagang mabisa ito

Sa pagpasok ng tag–ulan, iba’t ibang karamdaman ang nagsulputan. Isa na riyan ang mga panganib na dulot ng kagat ng lamok.

Imbes na katol ang gamitin na maaaring makaapekto naman sa mga hikain, kinatuwaan at usap–usapan ngayon sa social media ang isang praktikal na paraan kung paano maitataboy ang mga lamok sa kabahayan. Homemade ito at maaaaring gawin ng sinuman.

Isa sa mga nagbahagi at nagpatotoong netizen na mabisa ito ay si “Niev Gonzaga Calantoc”. Batay sa kanyang Facebook post noong Agosto 8, 2019, pinasalamatan niya ang orihinal na nag–post ng naturang praktikal na pamamaraan sa pagtaboy ng lamok. Inisa–isa ng netizen ang mga simpleng paraan  kung paano ito magagawa.

“Salamat sa nag–post nito sa Facebook. WALANG LAMOK. Sinubukan ko maghapon ’til now… wala talagang lamok,” saad ng netizen. Kinakailangan daw ng bawang, plastik na boteng walang laman, toothpick o tingting, at tubig. Idagdag pa ang kutsilyo na panghiwa sa bawang.

“Balatan ang bawang, tusukin ng stick para huwag mahulog sa bote. Lagyan ng tubig ang bote at ilagay ang tinuhog na bawang sa ibabaw ng bote na may tubig… yung makasayad ang bawang sa tubig.. Lagyan ang mga lugar ng bahay na malamok… SUPER EFFECTIVE.”

Imahe mula sa Facebook account ni Niev Gonzaga Calantoc

Marami naman sa mga netizens ang nahikayat na gayahin at gawin ito sa kani–kanilang mga tahanan.

“Mga 4 to 6 bottle need in 1 room, hiwaan nang maliliit or tusukin ng toothpick yung bawang para lumabas ang amoy… kakatuwa! Effective ito!”

“Thanks for sharing! Gagawin ko ito sa bahay hahaha. Mas tipid, mas praktikal.”

“Sa lahat po ng magta–try nito, 5 to 6 bottle in one room. Ilagay sa mga tapat ng nahahanginan tulad ng bintana at electricfan. Ang isang bawang will last for 3 days… everyday tusukin n’yo ulit ng toothpick yung bawang at dagdagan ng tubig para mas maging effective.”

Imahe mula sa Facebook account ni Niev Gonzaga Calantoc

Wala namang masama kung susubukan hindi ba?

Source :

Facebook