Hiyang sa pagmamahal? Mga taong nasa long-term relationship, mas bumibigat ang timbang – Survey

Imahe mula sa Pixabay
  • Senyales daw ng masayang relasyon ang pagtaba
  • Gayunman, hindi lamang iilang pounds ang nadadagdag sa timbang ng taong committed sa isang relasyon
  • Tinatayang 36 pounds ang madadagdag sa timbang sa loob pa lamang ng isang taon at limang buwan

Hiyang sa asawa o sa kasintahan ang madalas nating sabihin kapag napansin natin na tumaba ang isang tao makalipas lamang ang isang taon ng kanilang kasal o relasyon. Marami na ring couples ang makapagpapatunay nito at sasabihin pang patunay iyon na masaya sila sa isang relasyon.

Gayunman, hindi lamang pala kaunting pounds ang nadagdagdag sa isang average person na nasa isang long-term relationship.

Imahe mula sa Pixabay

Lumabas kasi sa isang survey ng OnePoll at ni Jenny Craig na 36 pounds humigit-kumulang ang nadadagdag sa timbang ng tao habang kapiling ang kanilang current partner na committed din sa isang long-term relationship. Ang 17 extra pounds naman ay nakukuha mula sa unang taon ng relasyon.

Sa kabuuan, 69% ng kalalakihan ang umamin na sila ay bumigat habang 45% naman ang sa kababaihan. Nasa 42% sa kanila ang nagsabi na ang pagkain nila sa labas ang pangunahing dahilan ng kanilang pagtaba.

Nasa 34% naman ang nagsabi na madalas silang mag-take out ng order at madalas din silang magluto sa bahay na kadalasang may kasama pang pag-inom ng alak.

Sa kabutihang-palad, aware naman ang mga couples na sila ay tumataba at inamin nilang kailangan din nilang kumilos para makaiwas sa anumang karamdaman na dulot ng labis na timbang.

Lumabas din sa survey na 55% sa mga respondents ang nagsabi na nakapagbawas na sila ng timbang kahit paano. Kahit pangmatagalan umano ang kanilang pakikipagrelasyon ay huwag naman sanang pangmatagalan din ang kanilang paglaki o pagtaba.

Imahe mula sa Pixabay

Sa mga mag-asawa o mag-partner, maraming paraan na maaaring gawin upang mapangalagaan ang inyong kalusugan. Simulan ito sa pagkakaroon ninyo ng commitment sa isa’t isa na magkaroon ng healthy lifestyle. Palakasin ang katawan habang pinalulusog din ang inyong relasyon.