Himala para kay #BraveTasha: Hero dog na nakipaglaban sa ahas, milagrong nakabawi ng lakas

Images via Meg Saab | Facebook
  • Himalang nakabawi ng lakas at tuluyang nakaligtas ang pitbull na nalagay sa alanganin matapos mapalaban sa isang ahas
  • Kuwento ni Meg Saab, ayaw daw siyang palabasin ng kanilang pitbull na si Tasha — ‘yun pala, may panganib na nakaamba
  • Sa tulong ng isa pa nilang aso ay nagapi ni Tasha ang ahas, ngunit natuklaw siya nito kaya naratay sa karamdaman

Sabi nila, ang aso raw ay “man’s best friend” dahil sa klase ng pagmamahal na handa nitong ibigay sa tao; matapat, totoo, wagas. Ilang beses na rin tayong nakarinig ng mga kuwento tungkol sa mga alagang aso at sa pag-ibig nila sa kani-kanilang amo. At kamakailan lamang, may nag-viral muli na kuwento tungkol sa isang aso na nalagay sa alanganin dahil sa pagsagip sa kanyang amo.

Image via Meg Saab | Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ni Meg Saab kung paano sila iniligtas ng kanilang mga aso na sina Tasha at Vienna. Aniya, ayaw silang paalisin ni Tasha sa bahay noong Lunes at iniharang pa ang sarili sa gate; parang nararamdaman ang nakaambang panganib. Hindi nagtagal ay umatake ang isang ahas. Kung hindi raw dahil sa mga aso ay tiyak silang napahamak.

Sa tulong ni Vienna, nagapi ni Tasha ang ahas. Gayunman, dahil nanlaban ito ay natuklaw niya si Tasha. Kinagabihan ay nilagnat ito at namaga ang kalahati ng nguso, hanggang sa biglaan na lamang bumagsak kaya kinailangan nang isugod sa pagamutan, subalit wala rin silang nagawa kung hindi ibalik ito sa bahay dahil inabot na sila ng hatinggabi sa biyahe at sarado na ang clinics. Wala na rin daw silang matawagang beterinaryo dahil malamang ay tulog na ang mga ito.

“Iyak na ako nang iyak kasi kahit mata mo hindi mo maigalaw. Nag-pray lang ako na bigyan tayo ng lakas na malagpasan to,” saad ni Meg sa post niya para kay Tasha. Kuwento niya, ang kanilang eight-year-old pet ang pinakamatapang ng pitbull na nakilala niya. Limang beses na raw sila nitong iniligtas sa kapahamakan; lalo na ang anak niyang si Megan.

Mag-a-alas dos ng madaling-araw noong magpasya sila na dalhin si Tasha sa pagamutan ng mga aso sa Angeles, Pampanga. Mabuti raw at may natawag silang ambulansya.

Image via Meg Saab | Facebook

Pero hindi pa rin bumuti ang lagay ng aso. Pagdating ng umaga ay inilipat na lang ito sa kanyang beterinaryo sa Bataan. Doon ay tinapat na sila na wala nang lunas ang kanilang alaga dahil wala pa raw anti-ven0m para sa aso. Tinaningan na raw ito ng 24 hanggang 48 oras; pinakamatagal na raw ito dahil kadalasan ay isang oras lamang ang itinatagal ng natuklaw ng cobra.

Hindi pa rin sumuko ang pamilya at naghanap ng panlunas; inikot ang Pampanga, Alabang, Manila, Zambales, Bataan. Mabuti na lang at dininig ng Diyos ang dasal nila.

“God sent us a miracle. Heto na s’ya, mas matapang, mas malakas. Kita mo ang kanyang mga mata na nagpapasalamat. Mahal na mahal ka namin. Hindi kita papabayaan kailanman. Dala ko sa pus0 ko lahat ng sakripisyo mo sa pamilya. You deserve all the love in this world,” wika ni Meg.

Image via Meg Saab | Facebook
Source :

Facebook