Gretchen Barretto, sinabing ghost writer ni Julia ang nagsulat ng ‘official statement’ nito sa IG

Mga imahe mula sa Instagram nina Gretchen at Julia Barretto
  • Naglabas na ng official statement si Julia Barretto sa pagkakadawit ng kaniyang pangalan sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo
  • Para sa mga fans at supporters ng young actress, isang matapang na hakbang ang kaniyang ginawa
  • Ngunit para sa kaniyang Tita Gretchen ay ghost writer lamang ang nagsulat ng statement ng pamangkin

Ilang oras pa lamang nag-post sa Instagram si Julia Barretto ng kaniyang official statement hinggil sa kanila ni Gerald Anderson, ay inulan na ito ng mga negatibong komento. Isa na rito ang kaniyang Tita Gretchen Barretto na inakusahan ang pamangkin na nag-hire pa ng kaniyang ghost writer.

Mga imahe mula sa Instagram account nina Julia Barretto at Bea Alonzo

Maganda nga naman kasi ang pagkakasulat ng official statement ni Julia na sinimulan niya sa pahayag na: “These past weeks, my faith, my patience, and my strength were put to the test.”

Nagreply si Gretchen sa komento ng isang netizen na fan ni Bea na nagsabing wrong move ang ginawa ni Julia na lalo umanong nagmukhang guilty sa nangyari.

Nakatag sa komentong iyon ang mga supporters ni Bea sa showbiz na sina Gretchen at kapatid nitong si Claudine, Angelica Panganiban, at Angel Locsin.

“Team Bea for the win,” unang reply ni Gretchen ni Gretchen. Sinundan pa niya ito ng: “The fact that they hired a ghost writer for this post is hilarious and makes her sound desperate to [email protected] whatever is left.”

Screenshot mula sa Instagram account | Julia Barretto

May mga komento rin sa Facebook na sumasang-ayon sa pahayag ni Gretchen. May nag-joke rin na hindi na nakapagtataka na ghost writer ang nagsulat ng  pahayag ni Julia dahil “ghost month” naman daw na iniuugnay sa ‘pag-ghosting’ ni Gerald kay Bea.

Sa kabilang banda, may mga hindi rin natuwa sa sinabing iyon ni Gretchen laban sa kaniyang pamangkin. Hindi raw maganda na siya na  sariling kapamilya ang nagdidiin kay Julia.

Marami pa ring fans at supporter ni Julia ang nagpahayag ng simpatiya sa kaniya. Una na rito ang kaniyang mommy na si Marjorie Barretto.

Imahe mula sa Instagram account ni Julia Barretto

Samantala, nilinaw naman sa post ni Julia na hindi niya pinagtaksilan si Joshua; na apat na buwan na ang nakalilipas nang sila ay maghiwalay.

Ginamit din ni Julia ang pangalan ni Gerald na nauna nang nagbigay ng linaw na hindi third party ang sanhi ng paghihiway ng aktor at ni Bea.