Grab driver, may nakahandang pagkain, damit, medicine kit, arinola, atbp para sa mga pasahero




Images via Che Rubio-Abando | Facebook
  • Handa ang isang Grab driver sa mga pangangailangan ng kanyang pasahero
  • Kumpleto ang kanyang sasakyan; may pagkain, damit, medicine kit, arinola, at iba pa
  • Kahit minsan ay may umuubos ng kanyang mga supply, wala raw itong kaso sa kanya at masaya siya sa ginagawa

Hindi mo masasabi kung ano ang mararanasan mo sa araw-araw na pagko-commute at pagsabay sa mabilis na ikot ng mundo. Nariyan ang mga aberya at hindi inaasahang pangyayari. Nariyan iyong biglang sasama ang iyong pakiramdam. Nariyan iyong bigla kang mababasa ng ulan o matatapunan ng kung ano. Maaari ring biglang mahil0 o lamigin sa biyahe.

Well, handa ang Grab driver na si JP Curada Secarro sa lahat ng ito.

Image via Che Rubio-Abando | Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na si Che Rubio-Abando ang tungkol sa nasakyan niyang Grab car na animo’y bahay dahil mayroon itong mga pagkain, medicine kit, hygiene supplies, damit, kumot, unan, arinola, basurahan, at iba pa. At hindi ibinebenta ang mga ito! Wala ring bayad ang paggamit. Nauunawaan daw ni Secarro ang kanyang mga pasahero.

“Ang cool ng nasakyan ko na Grab. Hindi ka magugutom, p’wede ka rin matulog nang kumportable dahil may unan at kumot kung kakailanganin mo. Tinanong ko si kuya driver kung magkano ‘yong mga food since wala pa ‘ko breakfast. Gusto ko bumili. Sagot ni kuya, ‘Ma’am, libre po ‘yan. Kuha lang kayo ng gusto n’yo. May mineral water na rin po. MayBiogesic din po sa medicine kit kung masakit ul0 n’yo’,” kuwento ng pasahero sa caption ng photos na ini-upload niya.

Biniro raw niya ang drayber, “Kuya, pa’no ‘yan kung ubusin ko lahat ng pagkain mo?”

Nagulat siya noong sabihin nito na may isang pasahero nang umubos ng mga stock niya. Nagkakahalaga raw itong P3,000 kung kukuwentahin dahil mga pagkain at magasin ang kinuha nito. Pero wala raw itong kaso sa Grab driver.

“Sa P80 na ibinayad n’yang pamasahe. Pero okay lang naman ‘yon. Napaghandaan ko na po ‘yon since p’wede naman talaga mangyari. Bumaba s’ya na nagpasalamat pa dahil may mga baon na raw ‘yong anak n’ya. Sa ‘kin naman, Ma’am, madali naman kitain ‘yon. I’m not into money naman talaga, masaya lang talaga ‘ko sa ginagawa ko,” wika nito.

Image capture via Facebook

Maging sa mga namamalimos ay namimigay din daw ang tsuper. Aniya, hindi siya takot malugi dahil kikitain din naman daw ang pera.

Image capture via Facebook
Source :

Facebook