Good vibes! Mga pulis sa Mandaluyong, tinulungan ang isang estudyanteng Nigerian




Imahe mula sa Facebook page na Tahimik at Mapayapa
  • Tinulungan ng mga pulis–Mandaluyong ang isang Nigerian national
  • Nawalan umano ito ng perang pamasahe patungo sa simbahan
  • Bukod sa pera, pinakain din nila ito ng libre sa karinderya

Ikinatuwa ng mga netizen ang pagtulong ng mga pulis sa Mandaluyong sa isang estudyanteng Nigerian na humingi ng tulong sa kanila dahil nawalan ng pamasahe patungo sa kanyang simbahan.

Ayon sa isang Facebook post na makikita sa page na “Tahimik at Mapayapa” na maaaring ibinahagi ng isa sa mga pulis na tumulong noong Agosto 15, 2019, lumapit sa kanilang commander na si Antonio Galauran, Jr. ang isang estudyanteng Nigerian na si Derek Mba, 22 taong gulang. Naubusan umano ito ng pamasahe patungo sa isang simbahan.

Imahe mula sa Facebook page na Tahimik at Mapayapa

Nag–ambag–ambag ang mga pulis upang makalikom ng sapat na pera para sa Nigerian.

“Habang kami ay nasa checkpoint ay may napadaan at lumapit sa aming commander na si PCAPT. ANTONIO M. GALAURAN JR. na Nigerian National na nagpakilala siyang si Derek Mba, 22 years old, isang estudyante. Naubusan siya umano ng pera pamasahe papuntang United Church of Christ Quezon City. Nag-ambag–ambag agad kaming nasa checkpoint upang makabuo ng pera na ibinigay naman kay Derek upang makauwi.”

Bukod dito, pinakain din ito ng kanilang commander sa isang karinderya upang hindi na mabawasan ang ibinigay nilang pera dito.

“Bago siya umalis, pinakain muna siya ng aming butihing commander sa malapit na karinderya upang hindi na mabawasan ang pera niyang nalikom. Pinagpapala ang mga taong nagbibigay sa kapwa.”

Imahe mula sa Facebook page na Tahimik at Mapayapa

Umani naman ito ng positibong reaksyon at komento mula sa mga netizen.

“God bless you all PNP officers! Nawa’y ang biyaya ng langit ay makamit ninyo; siksik, liglig at umaapaw. We are proud of you…”

“Sana po lahat ng pulis ay tulad ninyo po. Saludo po kami sa inyo. God bless!”

“Madalas lang naman kasing ibalita ng media ay mga masasamang pulis. Pero mas madami pa ring mabubuti at totoo sa kanilang sinumpaang maglingkod at protektahan tayong mamamayan. Salute po sa inyo mga sirs!”

Kudos po sa inyo mga boss–tsip!

Source :

Facebook