Gerald Anderson, army reservist na

Imahe mula sa Instagram account ni Gerald Anderson
  • Isa nang ganap na army reservist si Gerald Anderson
  • Tatlong araw ang kanyang training sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan
  • Naranasan niyang kumain nang nakahiga at nakadapa sa naturang training

Matapos ang tatlong araw na military training, isang ganap na Philippine Army reservist na ang k0ntrobersyal na aktor na si Gerald Anderson.

Si Gerald ay sumailalim sa isang Soldier’s Skills Orientation Training sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan. Makikita sa kanyang Instagram account ang mga larawang nagpapakita ng kanyang mga pinagdaanan sa naturang training.

Sa isa sa kanyang mga Instagram posts, isinalaysay ni Gerald kung ano ang kanyang naranasan sa naturang training.

Imahe mula sa Instagram account ni Gerald Anderson

 “3 days of the hardest training i have undergone .. these pictures don’t give justice to it .. we were pushed physically and mentally beyond our limits .. i have learned so much in just three days.. being the company commander taught me how to lead other people but most important how to lead myself and stay composed despite any situation…,” ayon sa caption ni Gerald.

Dagdag pa niya: “Only 2 hours of sleep for 3 days .. more or less 10 seconds to eat your meal sometimes eating naka-dapa sa putikan that teaches you a lot .. patience, gratitude, appreciation for even the small stuff. Being a Philippine Scout Ranger is being a real super hero… I appreciate your sacrifices men. Maraming marami salamat…”

Naranasan ni Gerald ang kumain nang nakadapa o nakahiga. Sa isa namang Instagram post noong Agosto 11, 2019, isang makahulugang mensahe ang kanyang inilagay na mula kay Haruki Murakami.

“…once the storm is over you won’t remember how you made it through, how you managed to survive. You won’t even be sure, in fact, whether the storm is really over. But one thing is certain. When you come out of the storm you won’t be the same person who walked in. That’s what this storm’s all about.”

Imahe mula sa Instagram account ni Gerald Anderson

Nauna na rito, naging army reservist na rin ang aktor na si Matteo Guidicelli na 5-taon nang kasintahan ng singer-aktress na si Sarah Geronimo.