For the first time: Sharon Cuneta at Regine Velasquez, magsasama sa isang two-night concert




Imahe mula sa Facebook ng Sharon Cuneta Mega Star fan page
  • Sa unang pagkakataon ay magsasama sa isang concert ang dalawang Pinoy music icons
  • Parehong nasasabik na sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa kanilang pagtatanghal
  • Gaganapin ito sa loob ng dalawang gabi kaya tiyak na hindi ito palalampasin ng kanilang mga fans

Kaabang-abang ang unang pagsasama sa iisang entabalado ng dalawang nagniningningang bituin sa industriya ng musika sa Pilipinas—sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez.

Sa Oktubre 18 at 19, nakatakdang maganap ang isang major concert ng dalawang Pinoy music icons sa Smart Araneta Coliseum. Ang two-night concert ay pinamagatang Iconic na tiyak na panonoorin ng mga solid fans ng dalawang mang-aawit.

Imahe mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Kung gaano ito kasabik-sabik sa kani-kanilang fans, nauna nang nagpahayag ng kasabikan sa kaniyang Instagram account ang tinaguriang “megastar.”

“Sharing the same stage with this woman has been a dream of mine. She is the very best and not just in singing but as a person. God has blessed us both with this new friendship, and now, these concerts!” ayon sa Instagram post ni Sharon.

Si Sharon ay unang nakilala sa Philippine music industry sa edad na 12 kung saan nairecord niya ang awiting “Mr.DJ” na kasama rin sa kaniyang unang album na DJ’s Pet noong 1978.

Mula noon, mahigit sa 40 albums na ang kaniyang nai-record. Noong 2018, nilabas din ang kaniyang Megastar CD Album sa ilalim ng Star Music PH.

Samantala, ang tinaguriang “Asia’s songbird” na si Regine ay hindi naman makapaniwala na makakasama ang kaniyang ultimate idol sa iisang stage.

“I can’t believe I’m actually sharing the stage with my ultimate idol. Thank you so much Lord for this opportunity. Thank you megastar Sharon Cuneta for making my dreams come true,” pahayag ni Regine sa kaniyang Instagram account.

Si Regine ay nakilala sa kaniyang pagkakapanalo noong 1984 sa isang amateur singing contest sa telebisyon na Ang Bagong Kampeon. Nirepresenta rin niya ang Pilipinas noong 1989 sa Asia-Pacific Song Contest kung saan nanalo rin siya.

Imahe mula sa Facebook ng Sharon Cuneta Mega Star fan page

Since Iconic ang pamagat ng concert ng dalawa, tiyak na mga iconic songs din ang kanilang aawitin, tulad ng “Narito Ako” ni Regine at “Bituing Walang Ningning” ni Sharon.

Samantala, si Rowell Santiago ang direktor ng Iconic concert katuwang ang mga musical directors na sina Louie Ocampo  Raul Mitra.