Fast food resto sa Monumento, may bagong empleyado na miyembro ng PWD




Imahe mula kay Belinda Fernandez Cueva | Facebook
  • Viral sa social media ang mga larawan ng isang fastfood crew na miyembro rin ng PWD
  • Mainit na tinanggap si Rica Joy sa Shakey’s Monumento bilang bago nilang empleyado
  • Masaya naman ang teacher ni Rica para sa kaniya at sa pagkakataon na ibinigay ng Shakeys na maipamalas ng kanilang estudyante ang kaniyang kakayahan pagdating sa pagta-trabaho

Marami ang nagnanais na mabigyan ng pagkakataon na maipakita ang kanilang angking husay sa iba’t ibang larangan. Mapalad lamang ang iba dahil isinilang silang ‘normal’ at nabibiyayaan ng trabaho batay sa kung ano ang kadalasang hinihingi ng lipunan.

Imahe mula kay Belinda Fernandez Cueva | Facebook

Nagsilbi namang inspirasyon ang bagong empleyado ng isang fastfood chain dahil pinatunayan niya na maaari ring makapagtrabaho ang mga tulad niyang miyembro ng PWD.

Sa viral post ni Belinda Fernandez Cueva sa Facebook, makikita ang isang babaeng may down syndr0me na maligayang nagta-trabaho sa sikat na fast food restaurant na Shakey’s sa kanilang Monumento branch.

“Shakeys is giving a good start for the PWDs,” sabi ni Belinda sa post.

Proud itong makita ang kaniyang mag-aaral sa SPED na si Rica Joy na nagta-trabaho bilang crew sa nasabing restaurant. Nagpasalamat rin ito sa Shakey’s dahil sa pagbibigay ng pagkakataon sa kaniyang estudyante na ipamalas ang kaniyang kakayahan sa kabila ng kaniyang pagiging espesyal.

“They love Rica Joy for what she can do and what she can. Shakeys Monumento, thank you for giving our student a chance to be employed,” ani Belinda.

Dagdag ng guro, “Hope more establishment like Shakey’s will welcome more PWDs as part of their working staff. Thank you.”

Imahe mula kay Belinda Fernandez Cueva | Facebook

Kapansin-pansin sa mga larawan na nag-eenjoy si Rica Joy habang ginagawa ang kaniyang trabaho. Kabilang sa kaniyang mga gawain bilang bagong empleyado ay maglinis ng sahig, magpunas ng mesa, at mag-abot ng bill sa mga customer.

Maliban sa paghanga ng netizens kay Rica Joy, marami rin ang natuwa sa pagtanggap ng Shakey’s sa bago nilang empleyado.

“Thank you Shakey’s and good luck Rica Joy!” ani DS.

“Kung ganito lang sana lahat. Sana mas marami pa ang tumulong doon sa mga mas nangangailangan, PWD man, matatanda, taong lansangan, at iba pa,” sabi ni MJM.

“Sana all. Sana lahat ng city at food establishment mag-allow ng mga PWD lalo na yung mga may down syndr0me. They deserve to be treated like a normal person. They deserve all the love in this world ,” ayon naman kay RC.

Source :

Facebook