Ellen Adarna, nakipaghiwalay na umano kay John Lloyd?

Imahe mula sa Facebook page ni John Lloyd Cruz
  • Ayaw na raw makita ni Ellen Adarna si John Lloyd Cruz
  • Nakipaghiwalay na rin umano ito sa aktor na tila tinotoo ang sinabi niya noon na gusto niya lang talagang magkaanak
  • Kasalukuyang nasa Vietnam ang aktor, habang ang ‘hotel heiress’ ay nagbabakasyon naman sa Thailand

Nagising na lang daw si Ellen Adarna na ayaw na kay John Lloyd “Lloydie” Cruz. Ito ang kumakalat na dahilan ng pakikipaghiwalay umano ng ‘hotel heiress’ sa batikang aktor.

Tapos na nga ba ang tinatayang dalawang taon na pagsasama nina Lloydie at Ellen?

Imahe mula sa Facebook page ni John Lloyd Cruz

Ayon sa showbiz chika ni Salve Asis, si Ellen umano ang nakipaghiwalay kay Lloydie na pinagbabawalan na ring lumapit sa kaniya. Ang mga malalapit na kaibigan lamang umano ni Ellen ang mga nakakaalam ng tunay na estado ng dalawa.

Ayon pa sa artikulo, kasalukuyang nasa Vietnam si Lloydie at marahil ay doon nagmumuni-muni. Si Ellen naman ay kasalukuyang nasa Thailand kasama ang kanilang baby na si Elias Modesto. Kasama rin ni Ellen ang best friend nitong si Beauty Gonzales.

Totoo nga kayang anak lang talaga ang gusto ni Ellen? Matatandaan na nabalita noon na bago mag-30 years old ay nais na niya sanang magkaroon ng baby.

Sa report ng ABS-CBN noong Pebrero 2017, sinabi ni Ellen sa isang panayam na ayaw muna niyang magpakasal.

“I don’t want to get married. Maybe when I’m 40, gusto ko anak muna. And I talked to my parents about it already, and I just have to find a partner na may good genes,” paliwanag ni Ellen noon.

Taong 2017 din nang magkamabutihan sina Ellen at Lloydie at sa taong ding iyon, Oktubre, ay nag-file ang aktor ng indefinite leave sa ABS-CBN. Sa sumunod na buwan ay napabalita na siya ay buntis kay Lloydie.

Sa mga panahong magkasama ang dalawa, may mga social media post din si Lloydie na sobrang  masaya at fulfilling na makasama niya sa buhay si Ellen.

“Sobrang baduy neto pero this girl really did something good to my soul. I’ll always be grateful,” pahayag ng aktor noon sa social media.

Imahe mula sa Facebook page ni John Lloyd Cruz

Sa pagsisimula ng 2019 ay madalas nang magpakita si Lloydie sa publiko na iba na rin ang itsura; mahaba ang buhok at balbas.  May mga fans nga na nagsasabi na madungis nang tingnan ang aktor.

So, hintayin na lang natin ang official announcement ng dalawa?