‘Dream boy’ na iginuhit ng isang netizen noong siya ay grade 6, kahawig ng kaniyang napangasawa




Mga imahe mula sa Facebook account ni Ariadne Daluz
  • Isang netizen ang nagbahagi sa Facebook ng kaniyang mahiwagang love story
  • Ang kaniyang napangasawa ay matagal na pala niyang ‘kilala’
  • Kahawig ito ng kaniyang ‘dream boy’ na iginuhit niya noong siya ay grade 6 pa lamang

Lahat tayo ay may ‘dream person’ na nais nating makatuluyan pagdating ng tamang panahon. Madalas magsimula ito sa pagtuntong natin sa edad na 12 o sa pagsisimula ng ating pagiging teenager.

Sa panahon na tayo ay teenager ay nagsisimula na ring umusbong ang ating imahinasyon ukol sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.

Imahe mula sa Facebook account ni Ariadne Daluz

Ang nakatutuwa pa nito, madalas nating iguhit ang ating dream person lalo pa kung hilig talaga nating mag-drawing. Pero paano kung ang iyong dream person na iginuhit noon ay kahawig ng iyong nakatuluyan? Maniniwala ka ba na mapaglaro talaga ang tadhana?

Isa sa mga magpapatunay na mapaglaro ang tadhana (sa positibong paraan) ay ang netizen na si Ariadne Daluz. Ibinahagi ni Daluz sa kaniyang Facebook account ang ang tungkol sa kaniyang ‘dream boy’ noong siya ay grade school pa lamang.

“Sharing a cute story about a ‘drawing’ wayback 2005-2006,” pambungad ni Daluz sa kaniyang Facebook post.

Aniya, noong siya ay grade 6 (school year 2005-2006) ay mahilig silang magsulat ng mga kuwento ng kaniyang grade school best friend. Nagdo-drawing din umano sila ng kung ano-ano.

“One time, I decided to draw a boy. Sabi namin, ido-draw namin ‘yung ‘dream boy’ namin, na hindi pa namin na-meet. Random. Imaginary crush ganun,” paliwanag ni Daluz.

Matapos ang maraming taon, ipinadala ng kaniyang best friend ang larawan ng lalaking iginuhit niya matapos makita ang isang lalaki­, si Larnille, sa debut ng dalaga.

Si Larnille ang lalaking nakilala ni Daluz noong 2011, na kahawig ng iginuhit niyang dream boy noon pang 2005-2006. Sila ay nagkatuluyan at kasal na sa isa’t isa.

“I guess destiny just played its part (in a cute way). Never knew na si ‘imaginary crush’ ko noong grade 6 will eventually look exactly like my husband,” saad ni Daluz na isang guro.

Imahe mula sa Facebook account ni Ariadne Daluz

Ang bawat tao ay may kani-kaniyang love story na maaari pala nating simulan sa pamamagitan lamang ng pagguhit ng isang imahe.

Hindi ba’t kapag may pinapangarap tayong bagay, madalas natin itong isulat o iguhit sa paniniwalang magkakatotoo ang mga iyon?

Source :

Facebook