Dokumentaryo tungkol sa mga dancing inmates ng Cebu, nasa Netflix na

Image capture mula sa Youtube video ng Netflix
  • Kapana-panabik na trailer ang inilabas ng Netflix para sa kanilang bagong dokumentaryo na sumasalamin sa buhay ng mga dancing inmates sa Cebu
  • Pinamagatan itong “Happy Jail” na nagsimulang ipalabas nitong August 14 lamang
  • Nakilala sa buong mundo ang dancing inmates ng Cebu dahil sa kanilang dance performance sa tugtog na “Thriller” ni Michael Jackson at matapos ma-upload ang kanilang video sa Youtube noong 2007
Image capture mula sa Youtube video ng Netflix

Napapanood na sa Netflix ang dokumentaryong sumasalamin sa buhay ng mga inmates sa loob ng Cebu Provincial Detention Center (CPDRC) mahigit sampung taon matapos nitong makatanggap ng paghanga mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pinamagatan itong “Happy Jail” at nagsimulang ibinahagi sa Netflix nitong ika-14 lamang ng Agusto.

Kabaliktaran sa titulo nito, makikita sa dokumentaryo ang mga problemang kinakaharap ng mga inmates pati na rin ng mga namamamahala sa kulungan na malayo sa nakikita ng marami sa tuwing sila ay nagsasayaw.

Mas makikila rin dito ang bagong namamahala sa lugar na si Marco Toral na dati na ring nakul0ng at nabigyan ng life sentence. Sa trailer pa lamang ay ipinakita na kung ano ang kadalasang ginagawa ni Toral bilang namamahala. Inilarawan rin siya ng kaniyang mga kasama maging ang mga taong tutol sa posisyon niya.

Nakilala ang lugar dahil sa kanilang dancing inmates na umindak sa tugtog na “Thriller” ni Michael Jackson noong taong 2007.

Nahahati sa limang parte o episode ang dokumentaryo sa ilalim ng direksiyon ng Emmy-award winning FilAm director na si Michele Josue.

Image capture mula sa Youtube video ng Netflix

Sa ulat mula sa Esquire, binanggit ni Josue ang isa sa kaniyang mga layunin sa pagbuo ng dokumentaryo.

“I believe that our personal stories have the power to help shape a more compassionate, empathic world, one in which we can talk about differences and similarities, and recognize pieces of ourselves in others,” pahayag nito.

Mapapanood ang trailer sa kanilang YouTube channel at maaaring mapanood ang series sa Netflix.

Source :

Youtube, Esquire