‘DenLou’ reunion? Louise, handang makatambal muli ang pinakamatagal niyang ka-love team




Images via Cha Echaluce and GMA
  • Bago naging Pambansang Bae si Alden Richards ay nakilala muna siya bilang other half ng DenLou
  • Ka-love team ni Alden noon si Louise Delos Reyes
  • Ilan sa mga pinagsamahan nila ay Alakdana, One True Love, at Mundo Mo’y Akin

Natatandaan mo pa ba ang kuwento ng pag-ibig nina Tisoy at Elize? E nina Marilyn at Jerome? Bago naging Pambansang Bae si Kapuso actor Alden Richards ay nakilala muna siya bilang other half ng DenLou; o ang love team nila ng aktres na si Louise Delos Reyes.

One True Love poster

Ilang taon din nagkasama sa mga Kapuso project sina Alden at Louise; kabilang na ang “Alakdana” (2011), “Tween Academy: Class of 2012” (2011), “My Beloved” (2012), “One True Love” (2012), at “Mundo Mo’y Akin” (2013). Gayunman, matagal na rin silang hindi gumagawa ng proyekto simula noong naging kapares na ni Alden ang tinaguriang Phenomenal Star na si Maine “Yaya Dub” Mendoza; matapos mabuo nang hindi sinasadya ang AlDub o ang tambalan nilang dalawa na nagsimula sa noontime show na Eat Bulaga noong taong 2015.

Ngunit ngayong nagsimula na sina Alden at Maine na gumawa ng mga proyekto sa labas ng love team nila, may mga nag-iisip na baka puwede na rin magkaroon ng reunion film ang DenLou. Ano kaya ang masasabi ni Louise dito? Handa kaya siyang makatrabaho muli si Alden?

“Working with Alden again, why not, ‘di ba? Siya ‘yong pinakamahaba kong naging ka-love team,” sabi ni Louise sa isang panayam pagkatapos ng media conference ng “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo”; kung saan isa siya sa tatlong naggagandahang leading ladies.

Masaya rin daw si Louise sa mga nararating ni Alden. Bukod sa tagumpay ng AlDub, kumita na ng mahigit P600 million–as of posting–ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” na unang pinagtambalan ni Alden at ng other half ng Kathniel na si Kathryn Bernardo.

“And I’m so happy for him for all the blessings na natatanggap niya ngayon and he deserves it,” wika ng aktres. Aniya, kung gagawa muli sila ng pelikula ay hangad pa rin niya na drama ang maging genre dahil dito sila naging mas sanay at marami nang proyektong nagawa.

Image via GMA

Throwback. Balikan ang isa sa pinaka-remarkable project nina Louise at Alden, ang One True Love:

Source :

Sip, YouTube