Closure at huwag puro babae ang sisihin: Kris Aquino sa isyung Bea-Gerald-Julia




Mga imahe mula sa Instagram account nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Kris Aquino
  • Mainit pa ring showbiz chika ang intrigang kinasasangkutan nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto
  • May ilang showbiz personalities na rin ang pilit isinasawsaw sa isyu ng ilang netizens
  • Tulad na lamang ng isang netizen na nagkomento sa isang Instagram photo ni Kris Aquino kung saan kasama nito si Erich Gonzales

Kabilang sa mga pinakamasasakit na maaaring maranasan ng babae sa loob ng isang relasyon ay ang lokohin at ipagpalit siya ng lalaking karelasyon sa ibang babae. S’yempre, ang simpatiya ng madla ay nasa babaeng niloko habang ang kanilang galit ay nasa babaeng naging third-party.

Nito nga lamang mga nagdaang araw, patuloy pa ring pinagpipiyestahan ang isa sa mga ‘showbiz infidelity issues’ na kinasasangkutan ng dalawang kapamilya leading ladies na sina Bea Alonzo at Julia Barretto.

Imahe mula sa Instagram account ni Kris Aquino

May mga netizen ding patuloy na nangdadawit ng ibang pangalan sa isyu ng tatlong kapamilya stars. Tulad na lamang ng isang insidente sa Instagram post ng “queen of all media” na si Kris Aquino kung saan nagpost ito ng larawan na kasama niya si Erich Gonzales.

May isang netizen na nagkomento sa larawan ng: “Kris, ask naman Erich about the Julia-Bea feud. She’s bff with Julia and friends with Gerald.”

Nireplayan ito ni Kris ng: “Pwedeng ’wag nega? Ang hindi natin buhay [ay] ’wag na nating guluhin especially Erich na hindi directly involved? Obviously, alam natin [na] mahal ko si Bea but ’di ba unfair to judge Julia because why do we always blame the girl?”

Ipinupunto lamang dito ni Kris ang diumano’y pagtataksil ni Gerald kay Bea lalo pa’t wala umanong closure na naganap sa dalawa.

Ayon nga sa isang panayam kay Bea hinggil sa isyu ay sinabi nitong: “To my understanding, we (Gerald) did not break up. He just started not talking to me.”

Kung may maayos sanang closure sa relasyong Bea-Gerald, tulad ng relasyong Julia-Joshua, baka mas naging katanggap-tanggap ang relasyong Julia-Gerald kung mayroon man talagang namamagitan sa kanila.

“I can already feel Gerald fans will blast me for this, but I have always told Bimb, hindi mahirap makibreak. Respect someone you cared enough to give them closure. Then move on. Ganun lang ka-simple ’yun,” sabi pa ni Kris.

Mga imahe mula sa Instagram account nina Julia Barretto at Bea Alonzo

“Masakit ang goodbye pero mas masakit ang hindi worth a goodbye. So please respect women? And don’t pit them against each other. Even those with no issues,” dagdag pa nito.

So, para sa mga taong bigla na lang hindi nagpaparamdam sa kanilang karelasyon, sana ay magpakatao kayo na maayos na isara ang isang relasyon bago buksan ang isang bagong pag-ibig.