Bela Padilla, may mensahe sa Grab dahil sa driver na nag-anunsiyo ng address ng aktres

Imahe mula kay @padillabela | Twitter at Imahe mula kay @bela | Instagram
  • Hindi napigilan ni Bela Padilla na punahin ang Grab driver na nag-anunsiyo ng kanyang address sa mga kapuwa nito driver
  • Ginamit ni Bela ang kaniyang Twitter account para hingin ang tulong ng Grab Philippines tungkol sa kaniyang naging karanasan
  • Humingi naman agad ng paumanhin ang Grab sa aktres at nangakong iimbestigahan ang pangyayari
Imahe mula kay @bela | Instagram

Iba’t ibang klase ng tao mula sa magkakaibang estado ang mga nagiging suki ng ride-hailing app na Grab. Dahil na rin sa kaginhawaan na dala pagdating sa transportasyon, maging mga artista at kilalang tao sa lipunan ay sumasakay gamit ang app na ito.

Ordinaryong mamamayan o sikat na pasahero man, dapat pa ring sumunod ang mga Grab driver sa kanilang company policy na nagbibigay proteksiyon sa privacy at security ng mga rider.

Sa Twitter, hindi napigilang magsalita ni Bela Padilla tungkol sa hindi magandang pangyayari na kaniyang naranasan sa kaniyang Grab driver noong August 9.

“Rode grab today and the driver announced on the grab radio where I live. Hello, @grabph. This can’t possibly be right,” ayon sa post ng aktres.

Agad namang humingi ng paumanhin ang Grab kay Bela dahil sa pangyayari. Binigyang-diin nila ang pagpapahalaga ng kompanya sa kaligtasan at privacy ng mga pasahero.

Imahe mula kay @padillabela | Twitter

“Hi Bela! We’re so sorry to hear about your experience. This incident shouldn’t have happened since we value every passenger’s safety and privacy,” sagot ng Grab sa Kapamilya aktres.

Dagdag nito, “We sent you a DM to help move our investigation forward. Thank you!”

Sa isang ulat ng ABS-CBN, maikling ikinuwento ni Bela ang nangyari sa isang IG Live session at habang nagde-demo ng makeup products.

Ayon sa aktres, narinig umano niya na sinabi ng Grab driver ang kaniyang address sa hinuha niya’y Grab radio channel. Tinanong niya ang driver kung bakit niya ginawa iyon pero hindi rin natuwa si Bela sa narinig na sagot.

Dagdag pa niya, nalungkot siya sa nangyari at naramdamang hindi siya ligtas matapos ang insidente.

Source :

Twitter, ABS-CBN