Bea Alonzo, nais gumawa ng mga sulat para sa sarili: “so I’m reminded that I am constantly surrounded by love”




Imahe mula kay Bea Alonzo via Instagram
  • Sa gitna ng mga kontrobersiya at isyu tungkol sa paghihiwalay nila ng dating nobyo na si Gerald Anderson, nagbabahagi si Bea Alonzo ng mga saloobin sa kaniyang social media account
  • Bukod sa mga IG stories at kaniyang personal interview, hindi na nagsalita pa si Bea tungkol sa isyu nila nina Gerald at Julia Barretto
  • Sa kaniyang latest IG post, ipinahayag ni Bea na nais niyang gumawa ng sulat para sa kaniyang sarili para ipaalala na marami ang nagmamahal sa kaniya
Imahe mula kay Bea Alonzo via Instagram

Naging mainit na usap-usapan sa showbiz at sa social media ang isyu tungkol kina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto. Nagsimula ito sa mga Instagram stories ni Bea kasunod ng napansing closeness nila Gerald at Julia pagkatapos ng kanilang pelikula.

Maraming mga Pinoy netizens ang nag-abang sa mga posts at interview ng tatlong Kapamilya celebrities na nasasangkot, kaya naman mas lalo pang lumaki ang isyu.

Ngunit pagkatapos ng kaniyang parinig sa IG stories at interview, nag-lie-low na si Bea tungkol sa pagbabahagi ng kaniyang mga saloobin sa paghihiwalay nila ni Gerald. Hindi na rin nasundan ang interview kay Gerald at natapos na sa matapang at kontrobersyal niyang IG posts ang mga hinaing ni Julia.

Bagama’t marami na ang nasangkot sa isyu ng tatlo katulad ng ina ni Gerald at mga kamag-anak ni Julia sa showbiz, patuloy pa rin si Bea sa pagpost sa kaniyang social media account ngunit hindi na ito patama tungkol sa kinasasangkutan nilang isyu.

Imahe mula sa Instagram | Bea Alonzo

Sa kaniyang pinakabagong IG post, nilagyan ito ni Bea ng caption na: Chillin’ while thinking of writing letters to myself just so I’m reminded that I am constantly surrounded by love.

Ang post na ito ay kaniyang litrato habang tila nakasuot ng bandana sa kaniyang ulo. Nilagyan din niya ang post na ito ng hashtags #OneDayAtATime  at #buhaypelikula.

Noong nakaraang buwan ay inihayag ng Star Cinema na magkakaroon ng bagong pelikula sina Bea, Angelica Panganiban, at Richard Gutierrez sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

Ayon sa story conference ng pelikula, ang kuwento ay iikot sa pagkakaibigan na masusubok sa pagkakaroon ng asawa.

Imahe mula Star Cinema via Instagram