Balikan: Ang pagsali ng popular 90s child star na si Camille Prats sa Little Miss PH




Images via Camille Prats Yambao and GMA | Facebook/YouTube
  • Bago naging isang sikat na child star ay nagpamalas na ng galing si Camille Prats sa Little Miss Philippines 1990
  • Gamit pa noon ni Camille ang kanyang buong pangalan na Sheena Patricia Camille Quiambao Prats
  • Nakilala ang batang aktres noong bumida siya sa 1995 hit movie na “Sarah… Ang Munting Prinsesa”

Bago naging isa sa mga pinakasikat na child star ng kanyang panahon, nagpamalas na ng galing at kinagiliwan ng maraming manonood si Camille Prats nang sumali siya sa Little Miss Philippines noong 1990.

Image via Camille Prats Yambao | Facebook

Gamit pa noon ang kanyang buong pangalan na Sheena Patricia Camille Quiambao Prats, pinabilib na ni Camille ang marami at naging isang remarkable contestant sa kanilang batch. Apat na taong gulang lamang noon ang actress-host.

Pagbabahagi ni Camille, ang buong akala niya noon na siya ang nanalo sa mini pageant ng Eat Bulaga dahil nag-celebrate daw talaga ang pamilya niya noon at may party pa sa buong street kung saan naroon ang bahay nila sa Sta. Mesa

“‘Yong tatay ko, nagpa-lechon. E sa edad na 4, akala ko nanalo talaga ako kasi (may) party kaya ‘yong buong Lubiran Street ng Bacood, Sta. Mesa tapos may trophy ako, Best in Gown, e, so feeling ko winner talaga ako,” kuwento niya.

“That’s when I also learned na parang in defeat, there’s always a reason to celebrate kasi nga nakaabot daw ako ng grand finals,” pagpapatuloy niya. “Kung hindi para sa ‘yo kahit anong gawin mo, hindi talaga pero ‘pag para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga. There’s always a reason behind it kaya dapat huwag mo siyang dibdibin kasi nga nangyari siya for a reason.”

Noong lumaki na ang aktres, doon niya lang daw naisip na hindi pala talaga siya ang nanalo sa patimpalak.

Bagama’t hindi siya pinalad na maiuwi ang korona, unti-unti naman niyang narating ang pangarap na maging artista nang maging bahagi ng ABS-CBN kiddie gag show na “Ang TV” at sa kalaunan ay makuha ang big break matapos bumida sa 1995 hit movie na “Sarah… Ang Munting Prinsesa” na Pinoy version ng 1985 Nippon anime na Princess Sarah.

“Sarah…Ang Munting Prinsesa” poster

Balikan! Ang pagsali ng popular 90s child star na si Camille Prats sa Little Miss Philippines:

Source :

GMA, PEP, YouTube