Balik-tanaw: Si Rhea Santos bago pa naging isang ganap na mamamahayag

Images via Rhea Santos and Tunay na Buhay | Facebook
  • Isa sa mga broadcast journalists na talaga namang minahal ng viewers si Rhea Santos
  • Kamakailan ay nagpaalam na siya sa kanyang mga show para tumira sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya
  • Nag-post ng mga larawan ng kabataan niya ang Facebook page na “Tunay na Buhay” at ikinatuwa ito ng marami

Nakilala bilang isang mamamahayag na may mabuting puso, talaga namang minahal ng mga manonood ang broadcast journalist at host na si Rhea Santos. Kaya ngayong nagpaalam na siya sa telebisyon upang tumira sa ibang bansa kasama ang pamilya, ikinatuwa ng kanyang mga tagasubaybay ang mga lumang larawan niya na ibinahagi ng “Tunay na Buhay”.

Image via Rhea Santos | Facebook

Sa opisyal na Facebook page ng palabas, ibinahagi ang mga larawan ni Rhea bago pa man siya nakilala bilang isang mamamahayag. Dito ay makikita ang hitsura niya noong siya ay nag-aaral pa sa St. Scholastica’s Academy sa Marikina noong hayskul at sa St. Paul University sa Quezon City, kung saan siya nagkolehiyo.

Kapag tiningnan mo ang litrato niya noong kolehiyala pa siya, parang nakita mo na rin ang hitsura niya noong nagsimula siya sa industriya ng pagbabalita. Pagkatapos niya kasing maka-graduate sa kursong AB Mass Communications, agad na nagtrabaho si Rhea sa GMA News kung saan siya naging host ng “Unang Hirit” sa loob ng 19 taon at ng “Tunay na Buhay” sa loob naman ng halos siyam na taon.

Gayunman, kinailangan nang umalis ni Rhea patungong Canada kasama ang kanyang buong pamilya. Doon ay mag-aaral siya ng Broadcast and Online Journalism sa British Columbia Institute of Technology.

“Iiwan ko na po ang trabahong nagmahal sa akin at minahal ko. Ako po ay mangingibang-bansa para bumalik sa pag-aaral at bigyan ng malawak na oportunidad ‘yong aking mga anak. This is something that we’ve prayed for. This is something that we wanted,” sabi niya sa bagong host ng “Tunay na Buhay” na si Pia Arcangel.

Image via Rhea Santos | Facebook

Narito ang emosyonal na episode ng Tunay na Buhay kung saan binigyan si Rhea ng tribute episode ng kanyang kaibigan at bagong host ng show na si Pia: