Balik-tanaw: Ang total performer at mala-diyosang teenage star na si Karla Estrada




Images via Remus Archive and Karla Estrada | YouTube/Instagram
  • Hindi maikakaila na isa sa pinakamagaganda at pinakatalented actresses ng kanyang panahon si Karla Estrada
  • Bukod sa husay niya sa pag-arte ay magaling din siyang sumayaw at kumanta
  • Si Karla ang tinatawag na ngayong “Queen Mother” dahil siya ang ina ni Blockbuster King of Hearts Daniel Padillla

Batang-bata noong siya ay nagsimula sa industriya pero hinangaan ng marami ang aktres na si Karla Estrada. Maganda na, total performer pa dahil biniyayaan din ng husay sa pagsayaw at pagkanta.

Images via Remus Archive | YouTube

Bata pa lamang daw si Karla ay pangarap na nitong maging isang artista at ilang beses ding sumali sa mga singing competition. Natupad ang pangarap niyang ito noong siya ay 16-anyos na, matapos siyang madiskubre ng isang talent manager sa isang music hub sa Quezon City.

Naging bahagi si Karla ng That’s Entertainment, nakagawa ng maraming showbiz projects, at nakapag-perform nang maraming beses. Matapos ang kanyang performance sa anniversary ng GMA Supershow, ibinahagi niya ang kanyang mga kasalukuyang proyekto.

“Showing po ngayon ‘yong Wanted Bata Batuta. Tapos, tapos na po ‘yong Ligaw na Damdamin tapos tinatapos namin ngayon ‘yong Makati Ave,” aniya. Dito pa lamang ay mapapansin na kung gaano siya kaabala noon kahit na teenager pa lamang at bago pa lamang sa industriya.

Ilan sa mga hindi malilimutang pagganap niya ay ang kanyang naging role sa “Ina, Kasusuklaman Ba Kita?” at “Maricris Sioson: Japayuki”.

Sa kasalukuyan ay tinatawag si Karla na “Queen Mother” dahil siya ang ina ni Blockbuster King of Hearts Daniel Padillla; na kanyang anak sa aktor na si Rommel Padilla. Bukod dito ay kinagigiliwan din siya bilang aktres, komedyante, at host ng popular morning talkshow na “Magandang Buhay”.

Bukod kay Daniel ay mayroon pang tatlong anak si Karla. Hinahangaan siya ng marami dahil sa pagpapalaki niya nang maayos sa mga supling niya. Wala rin kupas ang kagandahan ni Karla kahit pa ilang dekada na ang lumipas mula noong magsimula siya.

Images via Karla Estrada | Instagram

Throwback! Balikan ang isa sa mga mahuhusay na performance ni Karla Estrada: