Amazing Miming: Pusa tinulungang ‘makabangon’ ang nakatihayang pagong




Image capture from Facebook
  • Ikinatuwa ng marami ang video ng isang pusa na agad na tumulong sa nangangailangang pagong
  • Sa isang Facebook video, makikita na hirap na hirap ang bumaligtad na pagong habang pinipilit nitong makabangon
  • Nakita ito ng pusa at naunawaan ang kalagayan nito at tinulungan

Nakuha ng isang mapagmalasakit na pusa ang puso ng mga netizens matapos nitong tulungan ang isang pagong na nahihirapang makabangon.

Image capture from Facebook

Sa isang Facebook video, makikita kung gaano nahihirapang bumangon ang isang pagong na nakabaligtad. Pinipilit nitong makabangon ngunit para bang hindi sapat ang lakas nito kumpara sa mabigat na “bahay-pagong”. Napansin ito ng pusa at agad itong lumapit sa kinaroroonan niya; saglit na nagmasid na ’tila iniisip kung ano ang kanyang magagawa.

Matapos niyang tingnan nang malapitan ang pagong, agad siyang lumipat sa kabilang bahagi at mabilis na ibinaligtad ito. Sa huli ay nakatayo na rin sa wakas ang kawawang pagong.

Marami ang naantig sa ginawang ito ng pusa na nakuhanan ng video ng kanyang pagtulong sa kapwa niya hayop. As of posting, umani na ang video ng halos 10,000 reactions at lampas kalahating milyong views. Marami rin ang nagkumento.

“You have compassion and knowledge far beyond your years,” saad ni Joanne Woodworth.

“Some people say animals have no soul. But on this day, li’l kitters soul shined more brightly than anyone” ani Michael Callaway. [Sabi ng  ibang tao, walang kaluluwa ang mga hayop. Pero sa araw na ito, naisip ko na mas nagliliwanag ang kaluluwa niya; pinakamaliwanag sa lahat ng mga taong naririto.]

Sabi naman ni Adinda Febri Utami, “Give the cat a gold medal, gold trophy, and a gold crown.”

Sagot na namin ang pampa-good vibes mo! Narito ang cute at nakaka-touch na video:

I-click ang imahe para mapanood ang video.

 

Source :

Facebook