“You do note me” girl na gumagaya sa mga karakter ng Kadenang Ginto, patok sa socmed

Image from Ryry Villacosta's Facebook video
  • Ilang videos ng tinaguriang “You do note me” girl ang patok ngayon sa mga netizens
  • Nag-viral ang kaniyang mga videos sa social media dahil sa kaniyang panggagaya sa ilang mga karakter sa Kadenang Ginto
  • Kinaaliwan rin ang kaniyang mga sariling-gawa na dialogue habang ginagampanan ang role nina Marga at Cassie

Maraming manonood ang patuloy na nag-aabang sa mainit na sagutan ng mga karakter nina Dimples Romana at Beauty Gonzales sa programang Kadenang Ginto ng ABS-CBN.

Image via Ryry Villacosta’s Facebook video

Dahil sa sobrang pagka-hook sa programa, nagawa ng ibang mag-edit ng larawan nina Daniela at Romina na hindi nagtagal ay nag-viral naman sa social media. Kumalat ang memes ni Daniela na napadpad sa iba’t ibang lugar kasama ang kaniyang pulang maleta habang si Romina naman ay kasama ang kaniyang golden apple.

Binansagan na nga itong “Kadenang Ginto effect” na mahirap nang maiwasan kapag napanood na ang programa.

Subalit hindi lang memes at edited photos ang kinatutuwaan ng netizens sa patuloy na pag-viral ng mga karakter sa social media.

Sa Facebook, ni-reupload ni Ryry Villacosta ang video ng isang batang babae na gumagaya sa mga karakter ng Kadenang Ginto.

“Kadenang ginto pa more,” sabi nito sa post.

Sa video, kapansin-pansin na mag-isang umaarte ang batang babae. Gumawa ito ng eksena kung saan nag-uusap ang mga karakter nina Andrea Brillantes (Marga) at Francine Diaz (Cassie) kasama na rin sina Daniela at Romina. Maririnig din ang kakaibang dialogue na nagpatawa at nagpaiyak sa netizens.

I-click ang imahe para mapanood ang video

Ilan sa kaniyang sumikat na linya ay:

“Cassie, due note. Hindi kayo bagay ni phone stark me. Akin lang siya!”

“You do note Ims talking about!”

“You do note. Masakit sa akin. You do note lolo ko pa rin siya and daddy ko pa rin siya.”

Marami ring Facebook pages at account ang nagre-upload ng nasabing video.

Source :

Facebook