Xian Lim, may patutsada sa taong uminsulto sa kaniya

Imahe mula sa Instagram account ni Xian Lim
  • May uminsulto umano kay Xian Lim na hindi niya matanggap-tanggap
  • Mukhang nasaktan nang lubusan ang aktor lalo pa’t sinabi nitong kaya niyang magpatawad ngunit hindi ang lumimot
  • Gayunman, ang insidenteng iyon ay gagawin niyang paalala upang maging mabuting tao

May nakaiintrigang post ang aktor na si Xian Lim sa kaniyang Instagram account. Pinasasaringan niya ang taong minamaliit ang kaniyang propesyonalismo sa trabaho.

Imahe mula sa Instagram account ni Xian Lim

“You can insult me, mock me all you want, take everything away from me and strip me with nothing but don’t you dare question my professionality, passion and the amount of work I am willing to put in my craft in all the projects I make,” pambungad na mensahe sa kaniyang Instagram post.

Dagdag pa ng aktor na kahit hindi siya ang ‘the best’ sa larangang kaniyang pinili ay alam niya sa kaniyang sarili na lagi niyang pinagbubuti ang pagtatrabaho para sa magandang resulta.

Aniya, bilang isang artista ay willing siyang gawin ang mga bagay na makapagpapaganda sa kaniyang trabaho.

“I will move mountains, give my own sweat and blo0d, take that leap of faith for my staff and all the people around me who shares the same vision as I do,” dagdag pa nito.

Bukod sa pagiging aktor, host, at model, pinasok na rin ni Xian ang pagiging director ng pelikula. Noong 2018 ay masaya niyang ibinalita ang tungkol sa pelikulang Tabon na kalahok sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival.

Kabilang sa mga cast ng kaniyang pelikula sina Christopher Roxas, Ynna Asistio, Dexter Doria, Bapbap Reyes, Menggie Cobarrubias, Leon Miguel, Benjie Felipe, Lao Rodriguez, at Richard Manabat.

Samantala, sinabi rin ni Xian na magpapahinga muna siya pansamantala sa social media dahil na rin sa ‘insidente’ ng pangmamaliit sa kaniya.

Mukhang nasaktan talaga ang aktor sa kaniyang kritiko na sinabihan pa umano siyang ikasisira ng career nito ang pagkuha kay Xian bilang aktor.

Imahe mula sa Instagram account ni Xian Lim

“Still hung over from the words thrown at me. I will forgive but I’ll never forget. ‘Ikakasira ng career ko ang pagkuha sa’yo as my actor’ will always linger in me,” dagdag pa ni Xian.

Sa buong buhay umano ni Xian ay hindi pa raw siya naiinsulto nang ganoon. Sinabi rin niyang hindi niya gagamitin bilang motibasyon ang pang-iinsultong iyon ngunit gagamitin niya iyon bilang paalala sa kaniya na maging mabuti sa mga tao sa kaniyang paligid dahil iyon ay isang makataong gawain.