Hokage moves? Video ni Chavit Singson na halos mapasandal na kay Catriona Gray, kinaaaliwan online

Larawan mula sa Facebook account ni Sean Lucero
  • Kinaaaliwan ngayon sa social media ang video ng antok na antok na si Chavit Singson
  • Dahil sa sobrang antok ng dating politiko, halos mapasandal na siya kay Miss Universe Catriona Gray
  • Ayon sa ilan, ‘hokage moves’ daw si Singson para makasandal kay Gray

Marami ang nagbunyi sa naging tagumpay ng senador at superstar boxer na si Manny Pacquiao laban sa noon ay undefeated na si Keith Thurman. Ngunit bago pa man ang naging pagtutuos ng dalawang kampeon, agaw-eksena naman ang panonood at pagsuporta ng isa pang Pinoy pride na si Catriona Gray; ang kasalukuyang Miss Universe.

Maliban sa kanyang pagsuporta, trending rin ang Pinay beauty queen dahil sa nakatutuwang video na viral online kung saan makikita ang dating gobernador na si Chavit Singson na halos mapasandal na kay Gray dahil sa sobrang antok.

Larawan mula sa Instagram post ni Catriona Gray

Ibinahagi ng Facebook user na si Sean Juanitas Lucero ang kuha niya ng pre-fight live video ng labanang Pacquiao-Thurman kung saan makikitang magkatabi sina Gray at Singson sa isang maliit na bench habang antok na antok ang dating gobernador.

Halos mapasandal na si Singson sa balikat ng beauty queen na abala naman sa paggamit ng kanyang cellphone. Agad namang nagising si Singson at tila naalimpungatan sa kanyang pagkakaidlip.

Napatingin naman si Gray kay Singson at napangiti dahil sa antok na antok nang dating politiko na kilalang supporter ni Pacquiao.

Nagtawanan naman ang dalawa kinalaunan at nag-usap sandali na hindi naman narinig sa video, kahit sa original na kuha ng live stream provider.

Kinatutuwaan naman ng mga netizens ang tinatawag nilang tila ‘hokage moves’ daw ni Singson para makasandal sa reigning Miss Universe. Sa katunayan, habang isinusulat ang balitang ito, mayroon nang mahigit 13,000 reactions, 2,600 comments, at 23,000 shares.

Biro ng ilan, si Singson ang nakatanggap ng ‘congratulations’ mula sa kanila dahil sa pasimpleng pagsandal kay Gray.

I-click ang larawan upang mapanood ang video

Wala pang reaction si Gray sa pampa-good vibes na candid video nila ni Singson. Gayunman, ibinahagi naman ng ikaapat na Miss Universe mula sa Pilipinas ang larawan nila ni Pacquiao bago ang laban, habang bitbit niya ang bandila ng Pilipinas.

Nagwagi si Pacquiao laban kay Thurman upang ibigay nito ang unang pagkatalo sa karera ng American boxer.