Triangular desks ng isang pamantasan na angkop para sa mga gawaing–pangkatan, kinabiliban

Imahe mula sa Facebook account ni Marlon Diloy
  • Hinangaan sa social media ang mga triangular desks sa isang pamantasan sa Laguna
  • Angkop na angkop ang mga desks na ito para sa mga gawaing–pangkatan sa loob ng klase
  • Makatutulong din umano ang mga triangular desks na ito para sa mas maayos na pagkatuto

Kinabiliban sa social media ang larawan ng mga triangular desks sa isang pamantasan na angkop na angkop sa mga gawaingpangkatan o group activities sa oras ng klase ng anumang asignatura.

Ang naturang mga larawan ay ibinahagi sa Facebook post ng gurong si “Marlon Diloy” mula sa National University sa Laguna branch. Makikita ang mga pang–isahang mesang aralan na hugis–tatsulok, sa loob ng isang malinis at maayos na silid–aralan.

Imahe mula sa Facebook account ni Marlon Diloy

Kapag pinagsama–sama ang mga triangular desks na ito ay makabubuo ng hexagon, sapat upang magkaroon ng isang pangkat o grupo na may anim na miyembro. O kung mas kinakailangan ng mas malaking pangkat, maaaring makabuo ng parihabang mesa.

“Interesting triangular tables that may be combined to form different shapes, thus creating a learning space for collaboration… plus the view that is very conducive to learning!” ayon sa netizen.

Imahe mula sa Facebook account ni Marlon Diloy

Ang pagsasagawa ng pangkatanggawain o group dynamics ay kolaborasyon at kooperasyon ng mga mag–aaral sa isa’t isa upang maisakatuparan ang isang layunin, na may kinalaman sa kanilang aralin. Hinahasa ng ganitong teknik sa pagtuturo at pag–aaral ang kakayahan sa pamumuno, pagkakaisa, pakikipagbuklod, at “brainstorming”.

Mahalaga ang pangkatang gawain dahil ang pagkatuto ay mula sa mag–aaral patungo sa kanyang kapwa mag–aaral, bagay na hinihingi ring maisakatuparan ng “Enhanced Basic Curriculum” o mas kilala bilang “K–12 Curriculum”. Para sa kolehiyo, hindi mawawala ang kolaboratibong gawain, lalo na sa paggawa ng mga akademikong papel tulad ng thesis o papel–pananaliksik.

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizen.

“Ang ganda naman ng mga desks! Nakakahikayat mag–aral kapag ganyan.”

“Dapat 30 or 60 students per class para lahat sila may ka-group. Or dapat ginawang group of 5 pentagon shape para compatible sa 30, 35, 40, 45, and 50 class size. Great idea though!”

Imahe mula sa Facebook account ni Marlon Diloy

“May tusukan ng payong sa gitna for picnic events. Hahaha.”

“Ganda nito… kapag ganyan upuan sa room, iyan ang cheating arangement ng magto–tropa hahahaha.”

“Madaling makalibot si Teacher at tumayo sa gitna kahit dalawang table at a time.”

Ang National University o Pamantasang Pambansa ay itinatag ni Mariano Jhocson, Sr., na dating kilala sa tawag na “Colegio Filipino”, sa Quiapo, Maynila. Sa ngayon, ito ay may maigting na partnership sa ilalim ng SM Group of Companies na itinatag naman ni Henry Sy, Sr.

Imahe mula sa website ng National University