School supplies at bigas kapalit ng mga basurang plastic, handog ng isang paaralan sa Ilocos




Imahe mula sa Pixabay
  • Ang mga basurang plastic ay may biyayang kapalit mula sa isang paaralan sa Ilocos
  • Bukod sa school supplies, maaari na ring magkaroon ng bigas sa pag-iipon ng mga patapong plastic
  • Mas maraming plastic, mas malaking gantimpala ang makakamit

Habang tumatagal ay lalong palaki nang palaki ang problema ng mundo sa mga basura na talaga namang pasakit at matinding pagsubok  dahil isa ito sa mga dahilan at pinagmumulan ng mga sakit.

Plastic wastes

Ilang mga programa at proyekto na ang nailatag subalit pagtagal ay nawawala rin o ‘di kaya ay hindi naman napaninindigan at napamamahalaang mabuti.

Subalit mayroon pa rin namang mga epektibong paraan upang mapangalagaan ang kalikasan at mahikayat ang karamihan lalo na ang mga kabataan.

Ang paaralang Burgos Central Elementary School na matatagpuan sa Barangay Poblacion, Burgos, Ilocos Norte ay may handog na magandang balita sa kanilang mga mag-aaral upang mas lalo pa silang ganahan na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa kanilang kapaligiran.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Kanilang isinusulong ngayon ang proyektong Basura Exchange School Tiangge kung saan maaaring ipalit ng mga mag-aaral ang kanilang maiipong basurang plastic sa school supplies o grocery items.

Ang bawat basurang plastic na maiipon ng mga bata ay titimbangin at bibigyan ng katumbas na puntos, kaya mas mainam na hindi lamang marami kundi mabigat rin ang basura upang makakuha ng mas malaking puntos.

Ang kanilang mga puntos ang gagamitin upang ipamalit sa mga kaukulang school supplies gaya ng lapis, krayola, at papel.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Malaking tulong ito hindi lang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga magulang dahil mababawasan ang kanilang iintindihin at gastos sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Mas matutuwa rin sila dahil bukod sa school supplies ay kabilang rin ang grocery items gaya ng bigas na maaaring ipalit ng mga mag-aaral sa pagsisinop ng mga basurang plastic.

Imahe mula sa video ng GMA News via YouTube channel

“Gusto namin na iaral sa kanila kung gaano kaimportante ang kalinisan,” pahayag ni Brgy. Captain Jogie Jimenez.

But wait, there’s more dahil ang mga  basurang plastic naman na matatanggap ng paaralan ay may silbi pa rin. Ang mga ito ay gigilingin at hahaluan ng semento upang maging eco bricks na ginagawang alternatibo sa hollow blocks.

Narito ang isang patunay mula sa feature sa YouTube ng GMA News:

Source :

GMA, YouTube