Chito Miranda, muling ipinagmalaki ang kaniyang misis




Mga imahe mula sa Facebook | Chito Miranda
  • Isa sa mga susi para sa matibay na pagsasama ng mag-asawa ay ang purihin o dakilain ang isa’t isa
  • Sa mga kalalakihan, isa si Chito Miranda sa maaaring tularan pagdating sa pagkilala sa mga nagawa ng mga misis
  • Sa isang Facebook post, pinuri ni Chito ang kaniyang misis na si Neri Naig

“Huwag kalimutang purihin o magpahayag ng paghanga sa asawa kahit sa maliliit na bagay nitong nagawa.” Isa ito sa mga maipapayo sa mga taong naghahanap ng mga tips sa pagpapatibay ng kani-kanilang relasyon.

At para sa mga kalalakihan, isang magandang maihahalimbawa para sa inyo ay ang Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda.

Imahe mula sa Facebook page ni Chito Miranda

Sa latest Facebook post ni Chito para sa asawang si Neri Naig, muling ipinaalala sa atin ng rock star na walang masama kung ipaalam natin sa buong mundo kung gaano tayo kasuwerte sa ating partner o asawa.

“Asawa ko ’yan,” bungad sa post ni Chito. Nagbiro pa ito na hindi pa rin siya makapaniwala na pinatulan siya ng napakaganda niyang asawa. Samantalang siya raw ay hindi naman kaguwapuhan.

Kinilala rin niya na mas successful sa kaniya ang asawa na pumasok na rin sa mundo ng pagnenegosyo. Si Neri ay may sarili na ring restaurant — ang Neri’s Not So Secret Garden.

Nagpatawa rin ang Pinoy rock star na ginayuma lamang umano niya si Neri na may suot na isang matibay na helmet.

Ibinahagi rin ni Chito kung gaano kalambing ang kaniyang misis. Lagi raw itong nakasiksik sa kaniya na parang bata at kailangan pa ng mahabang paghalik sa tuwing aalis. Spoiled husband din umano si Chito dahil sobrang maalaga si Neri.

Ikinuwento pa ni Chito na kasalukuyan siyang bine-baby ni Neri kung saan after nitong kumain ay pinagpapahinga lamang siya ng misis dahil may gig pa ito. Mas gusto umano ng maybahay na manood na lang ng TV si Chito kaysa tulungan siya sa pagliligpit.

“She makes sure na hassle-free ang buhay ko at ayaw na ayaw n’ya na nae-stress ako. She makes sure that I always drink my vitamins. Vitamins ha! Hindi maintenance. Wala pa akong maintenance,” sabi ni Chito.

“I’ve never been this healthy and relaxed my whole adult life. Steady, happy, and content,” dagdag pa nito.

Imahe mula sa Facebook page ni Chito Miranda

Sa uri ng trabaho ni Chito, masasabing lapitin talaga ito ng mga babae. Nariyan din lagi ang tukso ngunit hindi siya kailanman umano sinabihan ng asawa na magbago. Bagkus, kusang nagpapakabuting asawa si Chito dahil binibigyan siya ng mga rason ni Neri para gawin iyon.

“I’ve always been reckless and aminado ako na gagø ako dati, but Neri never asked me to change. She just gave me a reason na magpakatino kasi ayoko masayang kung ano ang meron kami ngayon,” pagwawakas nito.

Source :

Facebook, ABS-CBN