Payslip ng magsasaka sa Negros, inulan ng batikos

  • Isang payslip ng magsasaka sa isang hacienda sa Negros ang kumalat sa social media
  • 200 piso lamang ang nakatala para sa isang linggo
  • Umani ito ng batikos at mga reaksyon mula sa mga netizens

Inulan ng samu’t saring mga reaksyon ang isang payslip na nagpapakita ng tinanggap na lingguhang suweldo ng isang magsasaka sa isang hacienda sa Negros na nagmula umano sa Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA).

Makikita sa Facebook post ng netizen na si “Achinette Villamor” ang isang larawan ng payslip kung saan ang makukuhang suweldo ng magsasaka ay 200 piso lamang. Paliwanag ng netizen, hindi tamad ang mga mahihirap, sadyang naghihirap sila dahil sa mababang mga oportunidad na ibinibigay sa kanila.

“A Filipino farmer working at the Hacienda Najalin gets paid Php 200 a week. That’s less than 4 Euros; or 5 USD, give or take. The poor are not poor because they’re lazy. They’re poor because they are kept that way. Giving them a few kilos of rice and canned goods as subsidy is a band-aid solution. It trivializes their struggles.

Dagdag pa niya: “What our farmers need is full enforcement of their rights: the right pay for a day’s work, for starters.”

Imahe mula sa Facebook account ni Achinette Villamor

Inulan naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens.

“This is not a decent wage, no matter where in the world!”

“They need access to other opportunities, training, chances to learn new skills. They are paid a low wage because whoever is paying can set it low, they know the worker is replaceable. With more choices for the worker, there will be fewer people to accept these low wage jobs and the wages will increase. The kicker is… new opportunities require investment, capital. That comes from people who have it, not government.”

“Regular farm workers in the Visayas, especially Negros where this was taken are provided free housing. Even seasonal labor are housed so that they can stay closer to work, especially during harvest season. This specific payslip might be low but it doesnt reflect the whole story. Agriculture in general is not considered a very appealing line of work and for more reasons than low pay. The pay is lower but so is cost of living.

Kung totoo man ito o hindi, hindi nga naman kakasya ang 200 piso bilang panustos sa isang linggong pangangailangan ng isang tao, o maging ng isang buong pamilya. Nawa’y mabigyan din ng pansin kung mayroon mang magagawa para sa ganitong uri ng pagpapasuweldo sa isang magsasaka.

Public Domain Image
Source :

Facebook