Pangulong Duterte, Angel Locsin magka-level bilang ‘most admired’ ng mga Pilipino

Mga imahe mula sa Facebook
  • Parehong kinilalala bilang “most admired” sina Pangulong Rodrigo Duterte at Angel Locsin ng mga kapuwa nito Pilipino
  • Ito ay ayon sa isang international survey na isinagawa ng isang kompanya na naka-base sa United Kingdom
  • Lumabas sa survey na marami pa rin ang naniniwala sa pangulo sa kabila ng mga panunuligsa at marami rin ang humahanga sa aktres na aktibo rin sa mga kawanggawa

Magka-level bilang pinakahinahangaang lalaki at babae sa Pilipinas sina Pangulong Rodrigo Duterte at Angel Locsin sa isang international survey.

Ayon sa survey ng YouGov na naka-base sa United Kingdom, si Pangulong Duterte ay nakakuha ng 19.39 porsiyento ng admiration score habang si Angel naman ay may 11.14 porsiyento.

Imahe mula sa YouGov

Ang survey ay ginawa ng YouGov noong Disyembre 2018 na nagbukas para sa nominasyon ng mga panelista mula sa 41 mga bansa. Simple lamang ang tanong sa kanila: “Thinking about people alive in the world today, which [man or woman] do you most admire?”

Sa kabila ng mga panunuligsa kay Pangulong Duterte sa paraan nito ng pamumuno at paraan ng pananalita, lumabas sa survey na marami pa rin ang naniniwala at humahanga sa kakayahang mamuno ng pangulo.

Ayon pa sa isang latest survey ng Pulse Asia, walo sa sampung Pilipino ang kumikilala at nagtitiwala kay Pangulong Duterte.

Samantala, ang aktres na hinahangaan sa teleseryeng The General’s Daughter ay hindi rin kataka-takang manguna bilang most admired Filipina.

Marami na ring natutulungan ang aktres tulad ng 31 scholars na kaniyang pinag-aaral. Aktibo rin siya sa iba’t ibang charity works at pagsuporta sa kapakanan ng mga kababaihan at ng mga kabataang Pilipino. Isa rin siya sa mga celebrities na may pinakamaraming social media followers.

Ayon sa Twitter post ni Angel, hindi umano siya makapaniwala na siya ang nanguna sa YouGov survey sa ilalim ng PH country breakdown ngunit kung totoo man daw iyon ay malaki ang kaniyang pasasalamat.

Imahe mula sa Facebook account ni Angel Locsin

Samantala, kinilala naman sa YouGov survey sina Bill Gates at Michelle Obama bilang “World’s most admired.”

Kung ikaw ang tatanungin, sino ang hinahangaan mo bilang isang Pilipino? Bakit?