Original members ng SexBomb Girls, nananatiling matatag sa piniling karera




Imahe mula sa Facebook account ng Sexbomb Dancers
  • Maituturing na phenomenon sa showbiz industry ang pagsikat ng Se×Bømb Girls
  • Una silang napanood bilang dancers sa Eat Bulaga!
  • Ilan sa mga orihinal na miyembro nito ay patuloy ang karera sa showbiz habang ang ilan ay mas pinili ang payak na buhay

Halos dalawang dekada na ang nakalilipas mula nang unang mapanood sa Eat Bulaga! ang pagsayaw ng Se×Bømb Girls na pinangungunahan ni Rochelle Pangilinan.

Sa tuwing may reunion ang grupo, madalas magbalik-tanaw ang kanilang mga fans lalo na sa mga pinasikat nilang kanta at sayaw tulad ng “Bakit Papa?” at “Halukay Ube.”

Imahe mula sa Facebook page ng Sexbomb Dancers

Tulad na lamang noong Hulyo 6 kung saan nagkaroon ng reunion performance ang ilang original members ng grupo na sina Sandy, Cheche, Mia, Jopay, Grace, at Aira sa isang event ng Shopee Philippines.

Noong Hunyo 22 naman, naglaro sa segment ng Eat Bulaga! na “Rush 4 Win” sina Aira, Mia, Aifha, Cheche, Mae, at Johlan.

Ang Se×Bømb phenomenon sa Pilipinas ay nagbigay sa kanila ng katanyagan kung kaya’t nagkaroon din sila ng sariling TV program—ang Daisy Siete na tumagal ng pitong taon.

Ano na nga ba ang balita sa ilang orihinal na miyembro nito?

Rochelle Pangilinan – Kahit wala na ang original group na kaniyang pinangunahan, masuwerte si Rochelle sapagkat aktibo pa rin ang kaniyang showbiz career. Nitong Pebrero ay ipinanganak niya ang panganay nila ng mister na si Arthur Solinap.

Jopay Paguia – Ang ‘pambansang hita’ na si Jopay ay ikinasal sa kapuwa niya dancer at actor na si Joshua Zamora noong 2014. Mayroon silang isang anak kung saan hands-on si Jopay sa pag-aalaga.

Aira Bermudez ­­­– Isa sa pinakamahusay na dancer si Aira na nakilala dahil sa kaniyang pag-split. Nang mabuwag ang original group, ipinagpatuloy niya ang pagsasayaw sa Japan noong 2006. Ngunit nang bumalik sa Pilipinas ay nagkaroon pa rin siya ng mga opportunity sa showbiz.

Imahe mula sa Facebook page ng Sexbomb Dancers

Cheche Tolentino ­– Bukod sa mga TV guesting at modeling career, aktibo si Cheche sa kaniyang social media accounts tulad ng sarili niyang YouTube Channel.

Mia Pangyarihan­ – Ang disiplina sa pagsasayaw ni Mia ay nagamit naman niya sa pagpapatakbo ng sarili niyang restaurant—ang Yoshimeatsu.

Ilan pa sa mga original members ng grupo ay may mga pamilya na at masaya sa kanilang payak na pamumuhay.