Netizen, ibinahagi ang kanyang “fitness inspiration”




Imahe mula sa Facebook account ni Diana Flores
  • Isang guro nagbahagi ng kanyang “fitness inspiration”
  • Nagdesisyon din siyang hamunin ang sarili na mapagtagumpayan ang fitness program
  • Maramiing humanga sa “before and after” photos ng guro

Sa panahon ngayong marami na sa mga tao ang mulat sa kahalagahan ng pag–iingat sa kalusugan at pangangatawan, malaking inspirasyon para sa lahat na makakita at makasaksi ng mga patotoo na kayang–kaya ito basta’t pursigido.

Gaya na lamang ng ibinahaging “fitness inspiration” ng isang netizen na si Diana Flores, isang guro sa isang prestihiyosong pampribadong paaralan sa Quezon City. Ayon sa kanya, dumating ang isang “Fit camp” sa kanilang paaralan upang i–promote ang isang fitness program.

Circuit training at High Intensity Interval Training o HIIT ang ibinibigay ng GI.JO Fitness. Matapos sumailalim sa trial class, nagustuhan niya ang programa kaya naman hindi siya nagdalawang–isip na ituloy–tuloy na ito.

Nagdesisyon din siyang hamunin ang sarili na mapagtagumpayan ang fitness program dahil hindi na raw niya nagagawa ang mga bagay na ginagawa niya noon. Isa pa, nais niyang pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng magandang kalusugan.

“I started my fitness journey with GI.JO Fitness about four months ago. Now, I am really elated to be part of this awesome fitness center,” ayon kay Flores.

Imahe mula sa Facebook account ni Diana Flores

Naging inspirasyon ni Flores ang kanyang mga coaches na inilarawan niya bilang “great motivators”. Mahirap ang kanilang work–out, subalit ginagawa itong madali at masaya ng kanilang mga coaches. Hanga rin siya sa pagiging magalang at passionate ng mga ito.

“Our coaches are great motivators, and they always challenge us to try and push our personal boundaries to new heights. Workouts are tough, but our coaches make them appear as easy and fun. They are extremely courteous, and I am impressed by their passion to help their clients.” 

At kung titingnan ang “before and after” photos ni Flores, tiyak na mapapahanga ka, dahil kitang–kita ang katibayan ng kanyang mga pinagpaguran. 

“What I love about Fitcamp is that I still get to participate in a comprehensive and effective workout without having to stay for long hours at the gym. I am so pleased with the progress I have made, and I look forward to more workouts with the GI.JO Fitness Team!”

Imahe mula sa Facebook account ni Diana Flores

Pagbati sa iyo, Diane! Ipagpatuloy lamang ang iyong nasimulan!

Source :

Facebook