Netizen, hinikayat ang publiko na magpatahi sa mananahing lolo




  • Itinampok ng isang netizen ang isang mananahing lolo o sastre na matiyaga pa ring nananahi o nagkukumpuni ng mga damit sa kabila ng kanyang edad
  • Pinakiusapan ng netizen ang kanyang mga kaibigan na magpatahi o magpakumpuni ng damit sa kanya
  • Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens

Hinikayat ng isang netizen ang kanyang mga kaibigan, at maging ang publiko na magpatahi, magpakumpuni, o magpagawa ng mga damit sa isang mananahing lolo o sastre upang magsilbing tulong dito.

Sa Facebook post ng netizen na si “Edison Leonor”, ipinakita niya ang mga larawan ng matandang sastre na nasa tapat ng terminal ng bus sa Calauag.

“Sa mga kaibigan ko d’yan baka naman may mga ipaparepair kayong shorts o pantalon, sira ang zipper, may butas, papabawas o papaputol, papabaston, dito n’yo na lang dalhin kay tatay kakaawa naman. Mura lang siya gumawa mga boss, mga utol, 30 lang ang pabaston 20 pesos naman ang paputol or pabawas. Matatagpuan n’yo si Tatay sa may tapat po ng Terminal ng AB Liner dito sa Calauag…”

Imahe mula sa Facebook account ni Edison Leonor

Ang asawa ng naturang mananahi ay may kapansanan na madalas ay nag–aalala sa kanyang asawa kapag nagde-deliver ito ng mga tinahi o kinumpuning damit sa mga customer.

“Kakaawa naman mga boss tulong na rin natin sa kanila. Basta nakakaawa talaga kasi ‘pag si Tatay nagdedeliver sng mga tinatahi n’ya eh si Nanay ay hindi mapakali, patayo–tayo s’ya sa wheelchair n’ya kasi daw naiinip s’ya at na mimiss n’ya daw agad si Tatay kasi sobrang bait daw ng asawa nya. Basta sana ay magpagawa kayo kay Tatay, tulong na rin natin para sa kanila.”

Imahe mula sa Facebook account ni Edison Leonor

Nagbigay naman ng reaksyon ang mga netizens kaugnay sa katayuan ni Lolo. Nawa ay maging tuloy-tuloy ang dating ng mga customers sa matandang mananahi.

“These amazing people deserve all the good things in the world. God bless you po Lolo and Lola.”

“Galing pa ring manahi ni Tatay, nakikita pa niya… minsan nga dayuhin namin…”

“Dito lang sila sa may tapat ng terminal AB Liner po, sa mismong pilahan po ng toda…”