Mga magulang na hindi nagbibigay ng sustento sa anak, maaaring maparusahan

Public Domain Image
  • Isang paglabag sa batas ang hindi pagbibigay ng sustento ng magulang sa kanilang mga anak
  • Ito ay nasa Section 5 ng Republic Act 9262 o Anti-Vi0lence Against Women and Children Act
  • Maaaring mabilanggo at mapatawan ng multa ang sinumang magulang na lalabag dito

Maaaring parusahan sa ilalim ng batas ang mga magulang na hindi nagbibigay ng sustento sa kanilang mga anak, lalo na sa mga solo parent.

Nagiging suliranin ng ilang solo parent ang paghingi ng sustento mula sa dating asawa o kinakasama para sa kanilang anak. Ayon sa isinagawang panayam ng programang “Usapang de Campanilla” ng DZMM sa abogadong si Noel Del Prado, maituturing na paglabag sa batas ang pagtutol na magbigay ng suportang pampinansyal sa anak.

Image capture mula sa YouTube channel

Sakop din dito ang mga biological father ng isang bata; kasal man o hindi.

Ayon kay Atty. Del Prado, ang naturang akto ay paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act. Maituturing daw itong “economic abuse” o isang uri ng pang-aabus0 sa aspetong pampananalapi o financial. Dagdag pa niya, may mga pamantayang maaaring tingnan at sundin upang matukoy kung maaari bang kasuhan ng solo parent ang kanyang dating kabiyak o asawa na nakalilimot o nakaliligtaang magbigay ng sustento para sa kanilang mga anak.

Maaaring mahatulan ng “Prisi0n Correcional” o pagkakabilangg0 ng 6 na buwan hanggang 6 na taon at multang 100,000 piso hanggang 300,000 piso ang sinumang ama na mapatutunayang hindi nagbibigay ng sapat na sustento sa anak.

Image capture mula sa YouTube channel

Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens.

“Dapat lang pong ipatupad talaga at di yung puro salita lang… maraming single moms ang mag-isang  bumubuhay sa mga anak.”

“Ang anak ko, walang suporta galing sa ama niya in many years. Sagot ng ama, wala siyang matinong trabaho kaya di makasustento.”

“In my case, ako ang sumusuporta sa mga anak ng kapatid ko. Both parents ng mga bata ay buhay pa pero ayaw naman magbigay ng sustento. Puwede ba akong magsampa ng reklamo sa magulang ng bata?”

Panoorin ang buong panayam kay Atty. Noel Del Prado sa “”Usapang de Campanilla” ng DZMM” via YouTube channel: